| Isports
| Isports
TIKAS. Ibinida ni LeBron James ang maangas niyang pose matapos ang malupit niyang clutch play sa Tune-Up game ng Team USA laban sa South Sudan, 101-100. Kuha Mula sa Facebook Page ng USA Basketball
PARIS, France — Ibabandera ni four-time NBA Champion at two-time Olympic Gold Medalist LeBron James ang bandila ng bansang USA matapos siyang nominahin ng kanyang mga U.S Olympians bilang Team USA’s male flag bearer para sa opening ceremony ng nalalapit na Paris Olympics 2024 na gaganapin sa Seine River, July 26.
Inanunsyo ng kanyang co-teammate na si Stephen Curry sa kanilang Team Usa Basketball Meeting ang malaking karangalan na ito para kay LeBron James.
Nagpasalamat naman si James sa mga USA Athletes na sasabak din sa Paris Olympics, sa pagnomina sa kanya bilang Team USA’s male flag bearer. “It’s an incredible honor to represent the United States on this global stage, especially in a moment that can bring the whole world together,” ani James nang malaman niyang siya ang magiging male flag bearer ng USA sa Paris Olympics 2024.
“For a kid from Akron, this responsibility means everything to not only myself, but to my family, all the kids in my hometown, my teammates, fellow Olympians, and so many people across the country with big aspirations.”
Sasalang si LeBron James sa kanyang ikaapat at huling Olympic Appearance sa kasalukuyang taon at inaasam na muling makakuha ng gintong medalya upang bigyan karangalan ang kanyang bansa. Samantala, puspusang pag-eensayo na rin ang ginagawa ng mga atletang pinoy na makikipagbakbakan din sa Paris Olympics.
May kabuuang 22 atleta ang Pilipinas na tutungo sa Paris, France para sa gaganaping Paris Olympics 2024, kabilang dito ang mga Tokyo Olympics 2020 medalists na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa larangan ng Boxing. Isasagawa ang kaabang-abang na Paris Olympics 2024 sa July 26 hanggang August 11 ng kasalukuyang taon.
______________
Share This Article
Suporta at Serbisyo para sa mga batang manlalangoy: FINIS PH sinelyuhan ang partnership sa DepED
CEBU, Philippines — Nagmistulang makikipagkompentensya sa pang internasyonal na patimpalak ang mga mahuhusay na manlalangoy mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas para sa Palarong Pambansa 2024 Swimming Events.
WALANG KUPAS: NCR ibinulsa ang ika-17 na kampeonato sa Palarong Pambansa
CEBU, Philippines – Namayagpag ang dominanteng National Capital Region (NCR) matapos muling maghari sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2024 at humakot ng kabuuang 98 ginto, 66 na pilak, at 74 na tansong mga medalya mula sa elementary at secondary level na dahilan upang mapanatili ang titulong overall champions sa loob ng 17 na taon, July 16.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari