| Isports
| Isports
NCR ibinulsa ang ika-17 na kampeonato sa Palarong Pambansa
Ni: Gabriel Banagan
PANANATILI SA TUGATOG. Hinirang bilang overall champion ang National Capital Region (NCR) sa 2024 Palarong Pambansa at nananatiling walang kapantay sa loob ng 17 na taon na pamamayagpag. Kuha mula sa Facebook Page ng DepED Philippines
CEBU, Philippines – Namayagpag ang dominanteng National Capital Region (NCR) matapos muling maghari sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2024 at humakot ng kabuuang 98 ginto, 66 na pilak, at 74 na tansong mga medalya mula sa elementary at secondary level na dahilan upang mapanatili ang titulong overall champions sa loob ng 17 na taon, July 16.
Bumida ang ilang mga batang atleta ng NCR sa iba’t ibang larangan ng isports na kung saan nakakuha sila ng madaming gintong medalya tulad ng Gymnastics, Swimming, Table Tennis, Taekwondo at Basketball.
Muli namang nabawi ng NCR boys secondary basketball team ang kanilang trono matapos gapiin ang sa finals ang mga manlalaro ng Central Luzon.
Kaugnay nito, kampeon din ang NCR girls secondary basketball team nang kanilang payukudin ang mga katunggali sa Central Visayas.
Sinelyuhan naman ng CALABARZON ang ikalawang pwesto sa kabuuang listahan ng mga medalya at pumoste ng 57 na ginto, 51 na pilak, at 53 na tanso.
Rumagasa para sa CALABARZON ang ilang mahuhusay na swimmer na sina TJ Amaro, Jasmine Modjeh, at Peter Cyrus Dean nang kanilang dominahin ang larangan ng swimming hindi lamang sa pagbingwit ng mga medalya kundi pati na rin sa pagbasak ng mga record.
Napapunta naman sa ikatlong pwesto ang Western Visayas matapos kapusin ng isang gintong medalya kontra sa CALABARZON, naiuwi nila ang 56 na ginto, 41 na pilak at tanso. Ikaapat sa pwesto ang Davao Region na may 32 ginto, 25 pilak, at 35 tanso, habang ikalima naman ang Central Visayas na nag host ng naturang torneo bitbit ang 29-42-39 na mga medalya.
Bumandera naman ang Central Visayas pagdating sa para games matapos nilang umukit ng 24 ginto, 21 pilak, at 14 na tansong medalya. Bunsod ng pagkapanalo ng NCR, napatunayan nilang sa kanila nagmumula ang ilan sa mga mahuhusay na batang atleta sa Pilipinas.
Samantala, matapos ang matagumpay na hosting ng Cebu City sa 2024 Palarong Pambansa, pangungunahan naman ng Ilocos Norte ang ika-65 na Palarong Pambansa para sa taong 2025.
______________
Share This Article
Lebron James hinirang bilang male flag bearer ng USA para sa Olympics 2024
PARIS, France — Ibabandera ni four-time NBA Champion at two-time Olympic Gold Medalist LeBron James ang bandila ng bansang USA matapos siyang nominahin ng kanyang mga U.S Olympians bilang Team USA’s male flag bearer para sa opening ceremony ng nalalapit na Paris Olympics 2024 na gaganapin sa Seine River, July 26.
Suporta at Serbisyo para sa mga batang manlalangoy: FINIS PH sinelyuhan ang partnership sa DepED
CEBU, Philippines — Nagmistulang makikipagkompentensya sa pang internasyonal na patimpalak ang mga mahuhusay na manlalangoy mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas para sa Palarong Pambansa 2024 Swimming Events.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari