| Balita
| Balita
Ni: Gabriella Mallari
Tumulong ang mga mag-aaral mula sa Grade 10 Betelgeuse sa paglilinis ng dating silid-aralan ng Grade 8 Altair
Inilipat ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa ika-walong baitang ng Quezon Science High School na 117 sa ikalawang palapag ng main building nito buhat ng kakulangan ng espasyo para sa bago at ikatlong pangkat ng ika-walong baitang na pinangalanang ‘Spica’ sa kapanahunan ng Brigada Eskwela 2024.
Matatagpuan dito ang isang bakanteng silid at ang dating mga silid ng ika-sampung baitang kasama ang mga silid ng ika-pitong baitang. Dalawang silid-aralan lang kasi ang maaaring ilugar sa ikatlong palapag ng gusali sa ngayon, kung saan orihinal na inilulugar ang mga taga-ika-walong baitang na mga mag-aaral.
Kasabay nito, inilugar naman ang kasalukuyang silid-aralan ng mga mag-aaral na nasa ika-sampung baitang sa ikatlong palapag ng gusali na mayroong dalawang silid, ang eksaktong lugar kung saan sila dumaan sa pagiging mag-aaral ng ika-walong baitang. Napatanong tuloy ang isang mag-aaral mula sa ika-sampung baitang kung mararanasan pa ba niya ang pag-aaral sa ikalawang palapag ng gusali, sapagkat hindi rin nila ito naranasan noong sila ay nasa ika-pitong baitang dahil sa online learning modality.
“Sad, kasi narinig ko rin kina Sims (kaklase niya noong nakaraang taong pampanuruan) na ano, may mga ibang gamit na kinuha sa Grade 8 Altair. (...) Never pa rin ako makaka-experience ng second floor,” sinabi ng mag-aaral.
Dahil madalian ang pagpapalit ng mga silid na ito, tila sanhi ito ng “cramming” para sa mga gurong may advisory class na apektado, tulad ni Gng. Kerlin May Pauli. Kasabay rin kasi ng paglilipatan ng mga section ang paglilipatan ng mga gamit na naging proyekto noon ng mga naging mag-aaral ng mga ito. “Ang dami pa ring kailangang gawin.
Ang first step kasi ay makapag-akyatan o makapagbaba ng gamit, second, nakita nating medyo hindi okay ‘yung sahig (ng silid ng Grade 10 Antares, ang kaniyang advisory class na noon ay Grade 8 Rigel), so ang solution do’n ay willing naman silang (mga magulang ng Grade 10 Antares) mag-contribute para sa ikagaganda ng ating sahig, at the same time ay ‘yung ating windows,” ayon sa guro.
______________
Share This Article
BAGONG SIMULA: Ika-pitong baitang, pinuno ang mga silya sa Brigada Eskwela 2024 Kick-off Program ng Quezon Science High School
Hindi nagpatinag ang mga mag-aaral at magulang mula sa ika-pitong baitang sa kabila ng maputik na kapaligiran buhat ng maulan na panahon at pinuno ang mga silya sa kick-off program ng Brigada Eskwela 2024 ng Quezon Science High School nitong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2024; mas marami kumpara sa ibang mga baitang. Bukod pa riyan ang mga dumalo na piniling umupo sa mga bleachers ng Multi-purpose Building ng paaralan.
UNIPORME NAANTALA: Bagong uniform ng Quezon Science High School, hindi pa rin nailulunsad matapos ang halos isang taon
Hindi pa rin inaaprubahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang ipinasang bagong disenyo ng Type A uniform ng Quezon Science High School makalipas ang halos isang taon ng pag-aanunsyo patungkol dito noong nakaraang Brigada Eskwela 2023.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari