| Balita
| Balita
Bagong uniform ng Quezon Science High School, hindi pa rin nailulunsad matapos ang halos isang taon
Ni: Gabriella Mallari
Pinangunahan ni Ma'am Mary Grace Banal at ng Quezon Science High School faculty members ang 'question-and-answer portion' sa kick-off program ng Brigad Eskwela 2024
Hindi pa rin inaaprubahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang ipinasang bagong disenyo ng Type A uniform ng Quezon Science High School makalipas ang halos isang taon ng pag-aanunsyo patungkol dito noong nakaraang Brigada Eskwela 2023.
Ayon kay Mary Grace Banal, isang guro at kasapi ng Brigada Eskwela team ng Quezon Science High School sa isang orientation nitong Brigada Eskwela 2024 natabunan na umano ang ipinasang disenyo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kaya hindi pa rin ito naaaprubahan at naibababa sa mga mag-aaral. Hangga’t hindi raw ito naaaprubahan ay pansamantalang pananatilihin ng mga estudyante ng paaralan ang pagsusuot ng kanilang Type C uniform na binubuo ng puting polo shirt na may tatak ng paaralan, maong na pantalon, at ng closed shoes. Idinagdag naman niyang maaaring magsuot ng puting pantaas ang mga mag-aaral kung sakaling hindi sila makakapagsuot ng nasabing polo shirt.
“Natabunan na po siguro (sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon),” sinabi ni Banal. Maaalalang inanunsyo ng paaralan na ilulunsad ang bagong disenyo ng Type A uniform sa kapanahunan ng pagbubukas ng taong panuruang 2023-2024 noong nakaraang Brigada Eskwela 2023. Matapos ang pagkaantala nito, inanunsyo naman nilang sa ikatlong linggo ng unang markahan sa taong panunurang 2023-2024 ito mailulunsad. Hindi pa rin tiyak kung kailan ito mailulunsad ngayong taong panunurang 2024-2025.
Gayunpaman, naglunsad naman ang Supreme Secondary Learner Government ng paaralan ng programang pinamagatang “Salinsuot” na magbibigay tulay para sa mga nakatatandang mag-aaral ng paaralan na mag-donate ng kanilang mga pinaglumaang uniform upang mapakinabangan ito ng mga nangangailangan.
“Maghintay tayo sa memos o bagong updates about sa magiging uniform this school year ,” ayon sa protocol officer ng Supreme Secondary Learner Government ng paaralan..
______________
Share This Article
Pagpapalit ng silid-aralan ng ika-walo at ika-sampung baitang, umani ng magkahalong reaksyon
Inilipat ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa ika-walong baitang ng Quezon Science High School na 117 sa ikalawang palapag ng main building nito buhat ng kakulangan ng espasyo para sa bago at ikatlong pangkat ng ika-walong baitang na pinangalanang ‘Spica’ sa kapanahunan ng Brigada Eskwela 2024.
BAGONG SIMULA: Ika-pitong baitang, pinuno ang mga silya sa Brigada Eskwela 2024 Kick-off Program ng Quezon Science High School
Hindi nagpatinag ang mga mag-aaral at magulang mula sa ika-pitong baitang sa kabila ng maputik na kapaligiran buhat ng maulan na panahon at pinuno ang mga silya sa kick-off program ng Brigada Eskwela 2024 ng Quezon Science High School nitong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2024; mas marami kumpara sa ibang mga baitang. Bukod pa riyan ang mga dumalo na piniling umupo sa mga bleachers ng Multi-purpose Building ng paaralan.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari