| Balita
| Balita
Ika-pitong baitang, pinuno ang mga silya sa Brigada Eskwela 2024 Kick-off Program ng Quezon Science High School
Ni: Gabriella Mallari
GABAY KAALAMAN: Masusing pinakinggan ng mga mag-aaral at mga magulang mula sa ika-pitong baitang ang pag-oorient sa kanila ni G. Victor Samaniego, isa sa mga adviser ng baitang.
Hindi nagpatinag ang mga mag-aaral at magulang mula sa ika-pitong baitang sa kabila ng maputik na kapaligiran buhat ng maulan na panahon at pinuno ang mga silya sa kick-off program ng Brigada Eskwela 2024 ng Quezon Science High School nitong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2024; mas marami kumpara sa ibang mga baitang. Bukod pa riyan ang mga dumalo na piniling umupo sa mga bleachers ng Multi-purpose Building ng paaralan.
Ang unang nagtala ng attendance sa registration mula sa pangkat ay nag-register nang 6:30 nang umaga, na siya ring nanguna sa panunumpa ng pledge of commitment kapalit ng pangulo ng Parent-Teacher Association na si Engr. Jereco Natan na siyang nakatalang manguna sa panunumpa. “
Gusto ko pong ma-explore yung school at makita po yung magiging room ko,” pahayag ng isang mag-aaral mula sa ika-pitong baitang. Sa kabilang banda, hindi makakailang mas kaunti ang dumadalo mula sa ika-walong baitang paitaas.
Sa ikatlong araw ng programa, kinailangan pang palipatin ng tagapagsalitang gurong si Ma’am Mary Grace Banal ang mga mag-aaral at magulang pa-unahan malapit sa entablado sapagkat kitang-kitang malapit sa kalahati ng mga silya ay hindi okupado.
“I think dahil sa new ano (patakaran) na 120 na yung students (kaya mas maraming dumalo sa ika-pitong baitang) plus siguro din dahil magkakakilala na naman ang mga tao sa ika-walong baitang hanggang sa ika-labindalawang baitang while yung ika-pitong baitang kasi is di pa kilala,” pahayag ng isang mag-aaral mula sa ika-sampung baitang.
“It feels like a requirement sa kanila and para din marecognize nila yung Quesay, (mga) rooms, at iba pa kasi sa higher grade levels naman is recognized na naman ung ano, stuff (mga bagay-bagay), plus (yung) bagyo din,” dagdag pa niya.
______________
Share This Article
UNIPORME NAANTALA: Bagong uniform ng Quezon Science High School, hindi pa rin nailulunsad matapos ang halos isang taon
Hindi pa rin inaaprubahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang ipinasang bagong disenyo ng Type A uniform ng Quezon Science High School makalipas ang halos isang taon ng pag-aanunsyo patungkol dito noong nakaraang Brigada Eskwela 2023.
Pagpapalit ng silid-aralan ng ika-walo at ika-sampung baitang, umani ng magkahalong reaksyon
Inilipat ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa ika-walong baitang ng Quezon Science High School na 117 sa ikalawang palapag ng main building nito buhat ng kakulangan ng espasyo para sa bago at ikatlong pangkat ng ika-walong baitang na pinangalanang ‘Spica’ sa kapanahunan ng Brigada Eskwela 2024.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari