TUNGKOL SA JOURNAL
_________
Ang Filipinolohiya: Journal sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay isang multi/interdisiplinaryong refereed journal na naglalayong maglathala ng mga pananaliksik, artikulo at kritikal na papel na nakatuong higit sa wikang Filipino, mga wika sa Pilipinas, panitikan, kultura, sining, araling pampagsasalin at mga pag-aaral na kasalukuyang tumutugon sa tunguhin ng mapagpalayang karunungan at maaaring nakaugnay sa agham panlipunan, edukasyon, agham at teknolohiya para sa kalinangang pambansa at koneksyon sa karunungang pandaigdig. Tumatanggap din ng mga akda na nasa Ingles at iba pang mga wika ngunit pagkatapos ng pagrerebyu sa akda ay dapat isalin ito sa wikang Filipino at tanging ang salin sa Filipino lamang ang ilalathala. Tumatanggap ng kontribusyon ang journal sa buong taon. Inililimbag ang isyu isang beses kada taon tuwing Disyembre.
Karapatang ari ng Kagawaran ng Filipinolohiya at ng mga may-akda
Inilalathala ng Kagawaran ng Filipinolohiya sa Maynila, Pilipinas
ISSN PRINT 1908 9724 | ISSN ONLINE 3082-3285