PARA SA ISYU 2025
Ang Filipinolohiya: Journal sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay isang multi/interdisiplinaryong refereed journal na naglalayong maglathala ng mga pananaliksik, artikulo at kritikal na papel na nakatuong higit sa wikang Filipino, mga wika sa Pilipinas, panitikan, kultura, sining, araling pampagsasalin at mga pag-aaral na kasalukuyang tumutugon sa tunguhin ng mapagpalayang karunungan at maaaring nakaugnay sa agham panlipunan, edukasyon, agham at teknolohiya para sa kalinangang pambansa at koneksyon sa karunungang pandaigdig. Tumatanggap din ng mga akda na nasa Ingles at iba pang mga wika ngunit pagkatapos ng pagrerebyu sa akda ay dapat isalin ito sa wikang Filipino at tanging ang salin sa Filipino lamang ang ilalathala. Tumatanggap ng kontribusyon ang journal sa buong taon. Inililimbag ang isyu isang beses kada taon tuwing Disyembre.
Ang ipapasang akda ay dapat na orihinal at hindi pa nailalathala.
Ang haba nito ay dapat maglaman ng 3,500-7,000 mga salita hindi kasama ang bilang ng mga salita sa abstrak.
Ito ay dapat na may abstrak sa wikang Filipino at Ingles na hindi sosobra sa 250 mga salita at may limang susing salita o keywords na nasa Filipino at Ingles din.
Nararapat na kompyuterisado (MS Word), doble-espasyo, Arial ang font style at 12 ang font size. Gamitin ang tamang template.
Kalakip ng ipapasang akda ang bionote ng may-akda na may hanggang limang pangungusap. Gamitin ang tamang template.
Para sa estilo ng citation at paggawa ng listahan ng sanggunian, sundin ang APA (American Psychological Association) 7th Edition.
Ipadala ang inyong akda sa submit.filipinolohiyajournal@gmail.com.
Maaaring i-download ang mga template sa ibaba:
TEMPLATE NG PAPEL
TEMPLATE NG BIONOTE