Amping Eskwela: Donation of Handwashing Stations

August 26, 2022


Namahagi ang PrimeWater (PW) Panabo ng handwashing stations sa tatlong paaralan sa Panabo City, Davao Del Norte nitong ika-26 ng Agosto.


Ito ay bilang partisipasyon sa Brigada Eskwela 2022 na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral.”


Kabilang sa binigyan ng handwashing stations ng PW Panabo ay ang San Pedro Elementary School sa Brgy. San Pedro, Salvacion Elementary School sa Brgy. Salvacion, at Gredu Elementary School sa Brgy. Gredu.


Layunin ng inisyatibong ito na maisulong ang palagiang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit sa gitna ng pagbabalik ng face-to-face classes.


Ang nasabing donation drive ay bahagi ng Amping Eskwela-Lingap Bukas Palad, ang isa sa bumubuo ng Daloy ng Paglingap, ang kanilang CSR program na may hangaring tumulong sa komunidad.


Naisakatuparan ang gawaing ito sa pangunguna nina PW Panabo Admin Head May Jane P. Marces, Accounting & Finance Officer Phobe Jan P. Cubio, at Territory Officer Danly C. Pagpaguitan.


#DaloyNgPaglingap #LingapBukasPalad #PrimeWaterPanabo