Linangin at pagyamanin ang pamimilosopiya mula sa at kaakibat ng kaisipan, karanasan, kultura, wika, lipunan, at pandaigdigang pananaw ng mga Pilipino;
Siyasatin at bigyang-tugon ang mga pilosopikal na katanungan na kinakaharap ng lipunang Pilipino at ng mundo;
Makapag-ambag ng iba pang pamamaraan sa pag-uunawa, pagkakatuto, at pag-aangkop ng mga ideyang pilosopikal sa pamamagitan ng mga katangian ng Pilosopiyang Pilipino; at
Isulong ang mga diskurso, pananaliksik, pagtuturo, at praktika na may kinalaman sa Pilosopiyang Pilipino