Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ito ay isang mikrobyo na uma-atake at sumisira sa natural na depensa ng katawan ng tao o tinatawag nating Immune system.
Ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome naman ay isang kondisyon kung saan wala nang kakayanan ang iyong katawan depensan ang kanyang sarili dahil tuluyan nasira nang HIV. Ito rin ang panahon na kung saan mas madali kanang mahawan nang iba't ibang inpektion.
Mga dapat malaman tungkol sa HIV at AIDS:
Pakikipagtalik ng walang proteksyon o Kondom sa isang taong may HIV.
Sa pagbubuntis, panganganak at pagpasuso ng isang ina na may HIV.
Sa dugo na galing sa isang tao na may HIV sa paraan na paggamit ng ginamit na karayom o sa isinaling dugo.
Dahil ang HIV ay nakakapanghina ng natural na depensa ng katawan (immune system), ang mga taong mayroon nito ay mas malaki ang pagkakataong magkaroon ng iba't ibang oportunistang impeksyon tulad ng TB, Pneumonia, Candidiasi, atbp.
Sa Pilipinas, TB ang karaniwang sakit ng taong may HIV.
Ang taong may TB at HIV ay mas mahirap gamutin dahil sa mahinang immune system.
Kaya mahalaga na malaman ng pasyenttng may TB kung mayroon din syang HIV para makakuha ng tamang gamutan at maiwasan ang iba pang maaring maging komplikasyon.
Sa mga gusto mag pa HIV Test Pindutin ito para sa mga impormasyon kung saan pwede mag pa test.
Ito ang panahon na sa loob ng 6 na linggo o mahigit sa 3 buwan na matagumpay ng nakapasok ang HIV ngunit hindi pa ito malalaman sa pamamagitan ng pagsusuri. Dahil yung antibody o yung ginawa ng katawan na panglaban sa nakapasok ng HIV ay hindi pa sapat para makita ito sa pagsusuri.
Pakikipaghalikan
Pagbabahagi ng kagamitan
Sa mga pagkain at inumin
Pag-ubo, Pagbahing, Pawis, Luha at Ihi
Pag aalaga sa taong may HIV
Kagat ng lamok at insekto
Sa mga alagang hayop
Pagdidikit ng balat tulad ng pakikipagkamay at pagyakap
Pagbabahagi ng pampoblikong pasilidad tulad ng CR at Swimming pool
Pagbabahagi ng iisang kwarto o lugar
Ito ay ang ABCDE sa pag iwas sa HIV.
A. Abstain (Ayoko muna.)
B. Be mutually faithful ( Basta ikaw at ako lang)
C. Correct and Consistent Condom use ( Condom gamitin ng tama at palagian)
D. Don't use drug and Don't share needles (Dapat pang injeksyon laging bago at malinis)
E. Education and Early detection ( Edukasyon at maagang pag-alam ng HIV status.)
Huwag muna ang pakikipagtalik.
Panatiliing tapat ang mag-asawa o ang kapares sa isa't isa.
Huwag Gumamit ng gamit na karayom at droga.
Maging maalam tungkol sa HIV at magpatest ng maaga.