Baldebvar Nagkamali ng Hakbang sa Chess Exhibition, Tinalo ni Navarro sa DSPC '24
Baldebvar Nagkamali ng Hakbang sa Chess Exhibition, Tinalo ni Navarro sa DSPC '24
Akda ni Themis / Disyembre 04, 2024
Natalo si McKinley Baldebvar kontra kay Brileyn Dores Navarro sa isang laro ng talino at diskarte sa chess exhibition match Division Schools Press Conference 2024, sa Prosperidad National High School nitong ika-4 ng Disyembre.
Si McKinley Baldebvar, isang batang chess player na nagsimula noong siya'y nasa ika-limang baitang, ay nagpakita ng magaling na laro ngunit hindi nakaligtas sa mga kritikal na pagkakamali sa kalagitnaan ng laro.
"Okay lang matalo, ayos lang yan," ani Baldebvar. "Okay lang matalo, nakakatulong ito sa pag-develop ng lohikal na pag-iisip at paglutas ng problema," dagdag pa ni Navarro.
Habang si Navarro, na nagsimula lamang maglaro ng chess noong nakaraang taon, ay pinakita ang husay sa paghawak ng pressure at natamo ang tagumpay gamit ang mga tamang galaw at estratehiya.
"Dapat palaging may backup plan sa chess," pahayag ni Baldebva.
Sa mga susunod na galaw, ang White rook ay nag-check sa Black king, na naging dahilan upang mailagay ang Black king sa isang masikip na posisyon. Habang nagmamadali ang Black player na maghanap ng paraan upang makaligtas, nakapag-promote ang White pawn sa F8, na naging isang queen, na nagbigay ng malaking kalamangan sa White player.
Sa ganitong posisyon, ang Black king ay nahirapan nang tuluyan at napilitan nang maghanap ng paraan upang magdepensa.
Hindi pa rito natapos ang pressure mula kay Navarro, muling nag-check ang White rook mula sa C7, na naglagay sa Black king sa isang mas kumplikadong sitwasyon. Ang mga paggalaw na ito ay nagbigay daan para sa White queen sa C5 upang patuloy na magbigay ng pressure at ilagay ang Black king sa isang sulok ng board.
Sa huling galaw, nag-checkmate ang White queen sa F5, isang matinding hakbang na hindi na kayang labanan ng Black king na nasa F4. Hindi na nakatakas ang Black king, at tumapos ang laro ng may panalo si Navarro.
"Excited akong makipagkompetensya muli sa susunod na taon para sa karagdagang pag-unlad at exposure," pagtatapos ni Baldebvar.