Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka nang magiting.
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw.
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y,
Tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa'yo.
Makapangyarihang Diyos,
Ang kadakilaan ng inyong mga likha ay namamayani sa sansinukob. Sa inyo po nagmumula ang lahat ng kabutihan at kaayusan, at kami po ay lumalapit sa Inyo na may pusong nagpapasalamat.
Pinasasalamatan Ka namin sa aming mga pinuno, na nagbibigay liwanag at gabay sa landas ng aming bayan. Nawa'y palakasin Mo po ang kanilang loob at isipan upang makapagsilbi sila nang may karunungan at malasakit.
Salamat po sa mga kawani ng pamahalaan, na naglilingkod nang buong husay at katapatan. Nawa'y patuloy Mo silang bigyan ng inspirasyon upang gawin ang kanilang mga tungkulin nang walang pag-aalinlangan, at manatili silang tapat sa kanilang sinumpaang paglilingkod.
Salamat din po sa mga mamamayan na aming pinaglilingkuran, na patuloy na nagtitiwala sa amin. Ang kanilang suporta at pananampalataya ay nagpapalakas ng aming loob at nagbibigay saysay sa aming mga pagsusumikap.
Patawarin Mo po kami sa aming mga kahinaan at pagkukulang sa pagtupad sa aming mga tungkulin. Alisin Mo ang anumang balakid sa aming landas na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan, pagkakasala, o kawalan ng tiwala sa aming sarili at sa aming kapwa.
Patuloy Mo po kaming bigyan ng Iyong pagpapala at pag-ibig upang kami ay manatiling tapat at karapat-dapat sa aming paglilingkod. Pagkalooban Mo po kami ng sapat na kakayahan, tapang, at katangian upang matagumpay naming matugunan ang mga hamon ng pagiging lingkod bayan.
Patnubayan Mo po kami at ang buong sambayanan upang sama-sama, tulong-tulong naming maiangat ang antas ng serbisyo publiko. Nawa'y maging kasangkapan kami ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng aming bayan.
Ang lahat po ng ito ay para sa Iyong kaluwalhatian, dakilang Lumikha. Nawa'y ang aming mga gawain ay maging kalugod-lugod sa Iyong paningin, at magdulot ng biyaya at kabutihan sa bawat isa.
Siya Nawa.
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas,
At sa bansang kanyang sinasagisag,
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao,
Makakalikasan at Makabansa.
Bilang Pilipino, buong pagmamalaki kong isasabuhay ang Bagong Pilipinas.
Buhay sa aking dugo ang lahing dakila, magiting at may dangal
Palaging dadalhin sa puso, isip at diwa ang aking pagmamahal sa kultura at bayang sinilangan; Kaisa ng bawat mamamayan, iaalay ko ang aking talino at kasanayan sa pagpapaunlad ng aking Bayan;
Taglay ang galing na naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan;
Magiging instrumento ako sa pagsulong ng kagalingan, karunungan at kapayapaan.
Makikiisa at makikilahok ako sa mga adhikain ng pamahalaan dahil ang kaunlaran ay hindi lamang responsibilidad ng iilan.
Isusulong at pangangalagaan ko ang karangalan, kalayaan at interes ng aking bayang minamahal;
Bilang Pilipino na may pagmamahal, pakialam at malasakit; hindi makasarili kundi para sa mas nakakarami; tatahakin ko ang landas tungo sa isang Bagong Pilipinas!
Ako ay isang lingkod bayan.
Pangangalagaan ko ang tiwalang ipinagkaloob ng mamamayan.
Maglilingkod ako nang may malasakit, katapatan, at kahusayan na walang kinikilingan.
Magiging mabuting halimbawa ako, at magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa aking kapwa lingkod bayan.
Lilinangin ko ang aking sariling kakayahan upang sa lahat ng panahon ay mapaglingkuran ko nang buong kahusayan ang sambayanan.
Hindi ako makikibahagi sa mga katiwalian sa pamahalaan.
Pipigilan at isisiwalat ko ito sa pamamagitan ng tama at angkop na pamamaraan.
Isasabuhay ko ang isang lingkod bayang maka-Diyos, maka-tao, makakalikasan at makabansa.
Tutugon ako sa mga hamon ng makabagong panahon tungo sa adhikain ng matatag, maginhawa, at panatag na buhay.
Sa mga tungkulin at hangaring ito, kasihan nawa ako ng Maykapal.
"The Department of Education is committed to provide learners with quality basic education that is accessible, inclusive, liberating through:
Proactive leadership
Shared governance
Evidenced-based policies, standards and programs
Responsive and relevant curricula
Highly competent and committed officials, and teaching and nonteaching personnel an enabling learning environment
The Department upholds the highest standards of conduct and performance to fulfill stakeholders' needs and expectations by adhering to constitutional mandates, statutory, and regulatory requirements, and sustains client satisfaction through continuous improvement of the Quality Management System."
Panahon na ng pagbabago dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago dahil sa ito ay kinakailangan tayo na magtulong-tulong na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago at iayos ang mag dapat ayusin dapat lang maging tungkulin ng bawat mamamayan dito sa atin
Gawin ang pagbabago patungo sa pag-asenso magsikap na mabuti at nang guminhawa tayo ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas
Panahon na ag pagbabago tangkilikin natin ang sariling atin at tama lang na ugaliin kaysa sa iba sa atin ang unahin
Panahon na ng pagbabago at manguna sa kahit anong larangan ang tagumpay ay karangalan ialay o ihandog natin sa bayan
İlang ulit nang napatunayan ng Pilipino ang huşay at lakas, kagandahan at talento handang makipag paligsahan kahit anong oras ang Bagong Pilipino, ang Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago buhay natin ay gawing maaliwalas marami ang magandang bukas ang ibubunga ng Bagong Pilipinas gawin ang pagbabago patungo sa pag-asenso magsikap na mabuti at nang guminhawa tayo ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.
PANAHON NA!
Ang serbisyo sibil ng bayan ko
Lingkod na tunay ngayon at kailan man Laging tumutulong, laging nagpapayo At sa kawani ay siyang patnubay
11
Ang serbisyo sibil ay tanghalin
Ito ay ating dakilain
Maging tapat tuwina sa ating tungkulin Paglingkuran lagi Bayang giliw
111
Ang serbisyo sibil ay lingkod na tangi Tayo na't ito'y ating ipagbunyi. Mabuhay!
Davao Region, pinanggang yuta may Bukid Apo nga labing taas
Haring agila, nasudnong langgam
Waling-waling hara sa kabulakan.
May bulawan, ug haring durian
Lubi ug saging, bugas lamian
Yutang tabunok, daghan ang nindot nga kapanginabuhian.
Ang naglangkob mga probinsya mga dakbayang nagkahiusa may gituohan nga Diyos.
Davao de Oro, Davao Oriental
Del Norte, Occidental, Del Sur
Syudad sa Davao, Panabo, Tagum
Samal Island, Mati ug Digos.
Davao Region gipanalipdan mga bahanding kinaiyahan
Yutang gimahal sa Dabawenyo makugihong mga tawo.
Garbo sa tanan, ang Davao Region among yuta nga gipangga.
Ilawom sa bughaw'ng langit
May giguhit ang kahitas-an
Ang matahum nga lalawigan
Dapit sa habagatan
Kansang mga katawhan
Bulahan sa tanan
Kay hiyasnon man sa tanang mga lalawigan ning Mindanao
Habagatang Dabaw kaming tanan
Nagpaluyo sa imong kauswagan
O! mahal nga lalawigan
Madasigon ang tanan
Kitang mga Dabawenyo
Managhiusa ning lalawigan
Kusog ug kalag
Ihalad ta
Habagatang Dabaw
Mutya ka sa tanan
Habagatang Dabaw kaming tanan
Nagpaluyo sa imong kauswagan
O! mahal nga lalawigan
Madasigon ang tanan
Kitang mga Dabawenyo
Managhiusa ning lalawigan
Kusog ug kalag
Ihalad ta
Habagatang Dabaw
Ikaw ang tanan