Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko, hindi maiiwasang bigyang-pansin ang malalalim na hidwaan sa mga ugnayan at ang ingay sa paligid natin, maging sa ating kalooban. Ang ating mundo ay puno ng kasalanan dulot ng kasakiman, kawalan ng pakialam, galit, at panlilinlang. Ngayon, higit kailanman, pinagtitibay natin ang katotohanang kailangan natin ang Diyos sa ating buhay nang maging Kanyang saksi sa mundong sugatán. Mahalagang tunay nating maransan ang Kanyang pagsilang sa ating mga puso at makipanayam sa atin. Nais nating mapatotohanan na “kasama natin ang Diyos,” Emmanuel, kaagapay natin sa paglalakbay, patungo sa kagalingan, pagkakaisa, at katarungan.

Ang Nasa Atin ang Diyos: Pagtataguyod sa Pananampalatayang Mapaghilom ay mga panalangin at gabay sa pagninilay ngayong panahong ng Adbiyento at Kapaskuhan. Layunin ng mga gabay sa pagninilay na hikayatin tayong:

TUMINGIN sa mga katotohanan at realidad nang higit linaw mula sa lente ng ating pananampalataya;

HUMUSGA sa ating mga nakita sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan at Katolikong Panlipunang Turo; at

KUMILOS sa mga kagyat na pangangailangan at panawagang ating madidiskubre sa proseso ng ating pagninilay.

Hangad at panalangin naming sa pamamagitan ng mga gabay na ito ay makadaupang palad ninyo ang Panginoon na inaaanyayahan tayong maging mapagmahal at mahabagin Niyang presensya sa mundong ito.