Five Counseling Process (Visual Representation)
Lakbay Sanaysay
Larawang Sanaysay
Bionote
Si Ashley Kyla Denise Enrera Manimtim ay ipinanganak noong Abril 15, 2006 sa Tanauan City, Batangas, Philippines. Siya ay isang mag-aaral, at kasalukuyang nasa ika-12 na baitang sa Tanauan City Integrated High School. 17 taong gulang na siya, at pangalawa sa kanilang magkakapatid. Marami siyang hilig at talento kagaya ng kaniyang buong pamilya. Si Ashley ay isang mahusay na pintor. Bata pa lang ay kinahihiligan na niya ang pagguhit dahil nagiging masaya siya sa paggawa, lalo na at gustong-gusto niya ang ginagawa. Bilang isang pintor, hindi niya kailanman inilalagay sa isipan at sinabi na hindi maganda o hindi niya gusto ang kaniyang ginawa o iginuhit sapagkat para sa kaniya, sa una pa lamang ay dapat matuwa siya sa kung anong magiging resulta at kalalabasan. Dahil dito, nahaharap at nagiging marunong siya sa buhay at alam niya ang tama at dapat na isagawa. Kahit na maraming hamon at problema, nahaharap ni Ashley ang mga ito nang buong puso at sa masayang paraan.
Si John Kirby Baria Aranda ay isinilang noong ika-20 ng Abril, taong 2006 sa lungsod ng Tanauan, sa probinsya ng Batangas. Nakapagtapos siya ng elementarya noong taong 2018, siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Tanauan City Integrated High School bilang isang mag-aaral sa ikalabing-dalawang baitang na kumuha ng strand na HUMSS. Pinili nya ang strand na ito sapagkat ito ay angkop at may kaugnayan sa kanyang interes sa mga larangan na gaya ng wika, pagsusulat, kasaysayan, pilosopiya, teyolohiya, sikolohiya, at marami pang iba. Ang kanyang hilig sa wika at kasaysayan ay ang nagtulak sa kanya na matutunan ang wika at kasaysayan ng mga bansang kanyang kinaaliwan, na sya rin namang naging dahilan para magpasya na makapagtapos ng kolehiyo at maging guro nang sa gayon ay maituro at maipasa niya ang kaalaman at magsilbing halimbawa sa iba. Siya ay kilala rin sa kanyang pagiging hispanista at sa puspusang pagsuporta sa pagtutulak sa muling pagbabalik ng wikang español bilang isa sa mga pambansang wika ng Pilipinas dahil sa naging ambag nito sa kasaysayan, literatura, kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng bansa.
Si Ronalyn Shy G. Llaguno at isinilang sa Tanauan City, Batangas noong ika -25 ng Hulyo, taong 2006. Siya ay bunso sa apat na magkakapatid at kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Roque, Sto. Tomas, Batangas kasama ang kaniyang mga magulang at nakatatandang kapatid na babae. Ilan sa kaniyang hilig gawin ay ang pagbabasa sa Wattpad at pakikinig sa kaniyang mga paboritong kanta. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Paaralang Sentral ng Hilagang Tanauan at kasalukuyang nasa ikalabin-dalawang baitang sa ilalim ng akademik track na Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa Tanauan City Integrated High School. Plano niyang mag-aral ng kolehiyo sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong Bachelor of Science in Psychology sapagkat nais niyang maging isang Psychlogist or Psychometrician sa hinaharap.
Si John Rendell R. Gundran, isang labingpito anyos mula sa Sambat, Lungsod ng Tanauan, Batangas, ay isinilang noong ika- labing-apat ng Hunyo, 2006. Siya ay kasalukuyang nasa ika-labing dalawang Antas (Grade 12) sa Tanauan City Integrated High school kung saan kumukuha siya ng Humanities and social Science (Humss). Tinapos niya ang kaniyang elementarya sa Paaralang Sentral ng Hilagang Tanauan at hayskul sa Tanauan City Integrated High School, kung saan kinilala sya bilang may parangal na "With Honors" sa kanyang murang edad, nagsimula siyang magtrabaho panandalian bilang sorter sa J&t Express mula Disyembre hanggang Enero lamang. Sa kabila ng kanyang responsibilidad sa pag-aaral, patuloy pa rin niyang inaalala ang kanyang pagkahumaling sa anime. Mayroon siyang kasintahan na nagngangalang Maica. Taglay niya ang determinasyon na makamit ang kaniyang mga pangarap sa pamamagitan ng pagtatapos ng kanyang pag-aaral at pagtatapos sa kolehiyo.
Si Edlen Lalap ay nag-aaral sa Tanauan City Integrated High at kasalukuyang nasa ika-12 na baitang. Siya ay labingwalong ong gulang. Sa kaparehas na paaralan din siya nagtapos ng “junior high.” Siya ay inaasahang nagtapos ng sekondarya at nakatakda ring magkolegiyo ngayong taon. Sya ang kasalukuyang presidente ng kaniyang klase. Noong “junior high” ay sumali siya ng ilang organisasyon tulad ng “English Club” at “Supreme Student Government.” Nang magtapos ng “junior high” ay nakatanggap siya ng may karangalan na may grado na 94%. Nang taong 2022 at pumasok ng “senior high”, siya rin ay naging presidente ng kaniyang klase at naging pinuno ng karamihang mga pangkatang Gawain. Sa darating na pasukan ngayong 2024-2025 nais niyang kumuha ng kursong nursing at planong mag-aral sa kapital na lungsod ng Pilipinas, ang Maynila.
Integrative Performance Task in subjects Creative Nonfiction, Media Information Literacy, Trends and Work Immersion
"Spring's Promise"
Ni Agustin Ramon Bidon
Nina Anwhar Ariola
Articles about HUMSS