MARTSA ARAULLO
Tugtugin ni: J.Sanchez
Pagsasatitik ni: T.R Magabo
Pagsasalin ni: Mary Grace Lastra
I.
Araullo, aming Araullo, buong pag-ibig na bumabati
Ngalan mo’y alaala pangako namin di malilimot
Araullo aming Araullo sa pag-aaral laging patnubay
Ikaw ay ilaw aming liwanag ikaw ay aming yaman
II.
Mahal ka namin aming Araullo buhay nami’y laan sa iyo
Sa araw-araw laging pangarap aliw ka sa paghihirap
Ang kinabukasan ay paghahandaan upang ialay sa iyo Araullo
Tagumpay naming kakamtan
III.
Ang Diyos, ang bayan at ang tahanan
Gagawing hantungan sa paghahangad ng mga tagumpay
Ang aming puso diwa’t isipan Itutuon sa layuning dakila, malinis
Ika’y tanglaw sa landasin magpakailanman.