Prayers

Come, Holy Spirit

Come, Holy Spirit!

Fill the hearts of your faithful and kindle in them the fire of your love.

Send forth your Spirit and they shall be created,

And you shall renew the face of the earth.

Let us pray. 

O God, who have taught the hearts of the faithful by the light of the Holy Spirit, 

grant that in the same Spirit we may be truly wise and ever rejoice in his consolation.

Through Christ our Lord.

Amen.

The Grail Prayer

Lord Jesus,

I give You my hands to do Your work.

I give You my feet to go Your way.

I give You my eyes to see as You do.

I give You my tongue to speak Your words.

I give You my mind that You may think in me.

I give You my spirit that You may pray in me.


Above all, I give You my heart

that You may love in me

Your Father and all humankind.

I give You my whole self

that You may grow in me,

so that it is You, Lord Jesus,

who live and work and pray in me.

ROSARY PRAYERS IN TAGALOG

Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.

Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.

Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.

Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.

Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.

Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,

Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;

Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,

At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo,

Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

 Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,

At patawarin mo kami sa aming mga sala,

 Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin

At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,

At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,

Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat

At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos

Ipanalangin mo kaming makasalanan

Ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.

Luwalhati

Luwalhati sa Ama,

Sa Anak,

At sa Diyos Espiritu Santo.

Kapara noong unang-una,

Ngayon at magpakailanman

Sa walang hanggan.

Amen.

Dasal sa Fatima

O Hesus ko, patawarin Mo kami sa apoy ng impiyerno.

Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo.

 Lalung-lao na yaong mga walang nakakaalala. Amen.

Aba po Santa Mariang Hari

Aba po Santa Mariang hari, Ina ng Awa.

Ikaw ang kabuhayan at katamisan;

Aba pinananaligan ka namin.

Ikaw nga ang tinatawagan namin,

pinapanaw na taong anak ni Eva.

Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis

dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,

ang mga mata mong maawain,

at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,

 ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.


Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Manalangin Tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo

ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang

walang hanggang sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,

pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli,

ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo,

na sa pagninilaynilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen

ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na hamimbawang nalalarawan doon,

kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin;

alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin;

na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay

at naghahari magpasawalang hanggan.

Siya nawa.

Amen.

Mga Misteryo ng Tuwa

Mga Misteryo ng Ilaw

Mga Misteryo ng Hapis

Mga Misteryo ng Luwalhati

GABAY SA PANGUNGUMPISAL

(Hango sa Facebook post ng Malolos Cathedral - Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica)


Paraan Ng Wastong Pangungumpisal

1. Matapos suriin ang budhi, magtungo sa lugar kumpisalan, luluhod at sabihin:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Basbasan mo po ako Padre sapagkat ako ay nagkasala.

Ang aking huling kumpisal ay: (sabihin kung kailan ang huling kumpisal)

Ito po ang aking mga kasalanan: (sabihin ang lahat ng nagawang kasalanan)


2. Pagkatapos sabihin ang lahat ng kasalanan banggitin:

Padre ito po ang lahat ng nagawa kong kasalanan


3. Makinig sa payo ng pari.

4. Unawain ang sinasabi ng Pari.

5. Pakinggan ang penitensyang ipapataw sa iyo.

6. Dasalin ang panalangin ng pagsisisi.

7. Magpasalamat sa Diyos.

===========================

Mga Maling Kaisipan sa Pangungumpisal

1.) NAHIHIYA AKO!

Kung hindi naman tayo nahihiyang gumawa ng masama, mas madali naman sigurong hindi mahiya sa pangungumpisal.


2.) TAO LANG DIN NAMAN ANG PARI TULAD KO!

Naging tao rin ang Diyos, at ipinagkaloob sa tao ang kapangyarihang gumawa ng mga dakilang bagay: ang pagsulat ng Salita ng Diyos, ang pagpapabanal sa Bayan ng Diyos, at pagpapatawad ng ating mga kasalanan (pagbigay ng yapos ng Diyos!).


3.) MALALAMAN NG PARI ANG MGA KASALANAN KO!

Tungkulin ng bawat pari na hindi sabihin sa kaninuman ang anumang marinig nila sa kumpisalan. Nakarinig na sila ng iilang mga kasalanan na magkakapareho ng uri. Hindi lubos na namumukod-tangi ang mga kasalanan mo.

___________________________________

Pinakamahalaga:

PAGBABALIK-LOOB NA NAKASENTRO SA IPINAKONG KRISTO

Ito ang mahalagang mensahe ni Hesus: Magbalik-loob!

Baguhin ang iyong puso! Manumbalik palagi sa Diyos upang lumago sa atin ang kabanalan. Ang sikreto ng buhay-Kristiyano ay ang pagtuon ng ating mga isipan sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus. Ang tignan Siyang nasugatan ng ating mga kasalanan, na sa Kanyang mga sugat tayo ay hinihilom ng Kanyang walang-hanggang pagmamahal.