WASH DAY WEDNESDAY
Layunin ng platapormang ito ang magkaroon ng kalayaan sa pagpili ng kasuotan ang mga estudyante at guro tuwing ikalawang miyerkules ng kada buwan. Panahon din 'to upang malabhan ang mga uniporme ng bawat isa. Sa mga nais isuot ay kailangan pa rin natin panatilihin ang pagsunod sa naaayon na kasuotan para sa ating paaralan. Sa pamamagitan nito ay malayang makakapag hayag ng kani-kanilang sarili ang mga estudyante at guro. Ang platapormang ito ay maka-katulong din para mapa-lakas ang loob o confidence ng bawat isa.
RESTORATION OF RESTROOMS / COMFORT ROOMS
Nais ko ilungsad ang pagpapasaayos ng nga mga pintuan na may sulat at mga toilet na maisa-ayos ang mga flush nito. Layunin ko rin na mapa-ayos ang mga salamin ng bawat palikuran.
STUDENT ENGAGEMENT
Magkakaroon ng "Suggestion Box" para sa mga suhestiyon at nais iparating ng mga estudyante na makakatulong sa kinabukasan ng mga guro, estudyante, at paaralan.
DONATION DRIVE WITH TRANSPARENCY REPORT
Mag organisa ng donation drive para sa mga pangangailangan ng paaralan, tulad ng mga kagamitan para sa mga extracurricular activities. Kasama rito ay ang pagkakaroon ng donation box na kung saan ay maaaring maglagay ng pera na ayon sa kayang ibigay na bukal sa puso.
MONTHLY BUDGET REPORT
Sa tuwing matatapos ang mga gawain, layunin namin na makagawa ng transparency report na magpapakita kung magkano ang nalikom at saan ito nagamit. Ang ulat na ito ay ipapaskil o ipapadala sa mga mag aaral, guro at upang ipakita ang maayos na paggamit ng pondo.
TARA NA! MGA ANIMATORS NI SAN JOSE
Marami sa mga estudyante ngayon sa ating paaralan ang hindi na alam ang mga animations. Layunin nito na maibalik muli ang sigla ng animations tuwing may Morning Ceremony sa ating paaralan. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga nais maging parte ng Animators ni San Jose mula sa iba't ibang baitang. Maaari tayo makabuo ng grupo na kung saan ay mga magpapasimuno at magtuturo ng animations sa kasalukuyan at mga susunod pa na henerasyon ng estudyante sa ating paaralan.
PULOT MO, ATING IBALIK SA MAY-ARI NITO
Naranasan mo na bang mawalan ng importanteng gamit na mapapasabi ka nalang na "Hala nasaan na yung wallet ko?" o "Nakita mo ba ang I.D ko?". Minsan naman ay makakakita tayo ng gamit sa labas at mapapasabing "Kanino kaya to?". Bilang solusyon dito, magkakaroon tayo ng isang lagayang "Lost and Found" na ilalagay sa ating paaralan. Ang lagayan na ito ay may lock upang masigurado na ang ilalagay na gamit dito ay hindi makukuha ng hindi nagmamay-ari nito.
AFFORDABLE SCHOOL SUPPLIES
Marami sa estudyante ang nakakalimutan bumili ng kani-kanilang school supplies. Kaya naman, nais ko maglagay ng honesty store sa campus para makabili ng school supplies sa murang halaga. Ang mga malilikom na pera ay ipang bibili muli ng iba pang stock ng school supplies.
PEER TUTORING
Mag-organisa ng mga peer tutoring session kung saan maaari itong gawin bilang study group dahil mayroon tayong apat na istrand (STEM, HUMSS, ABM, at TVL), ito ay mangyayari tuwing bago ang mga araw ng pagsusulit, upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang mahihirap na asignatura. Maaari itong online na pagpupulong o pisikal na panayam. Bawat strand ay magkakaroon ng kani-kaniyang student tutor, pwede rin itong i-random para maranasan nilang lahat.