MENTAL HEALTH DAY
Marami sa ating mga estudyante ngayon ang nakakaranas ng pagsubok sa buhay, ito ay hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa ating mga tahanan. Layunin ng platapormang ito ang magkaroon ng isang araw na nakalaan para sa mental health, ito ay tuwing ika-dalawa at ika-apat na biyernes ng buwan. Sa mga araw na ito ay magkakaroon ng pagkakataon na ma-excuse ang mga estudyante sa kanilang klase upang pumunta sa Guidance Counselor Office para makipag-usap sa ating Guidance Counselor. Magsisilbi itong paalala sa ating lahat na ang damdamin ng bawat isa ay mahalaga.
ANG SUMBUNGAN NG BAYAN, SA AMIN WALANG MAIIWAN
Layunin ng platapormang ito ang magkaroon ng boses ang bawat estudyante sa ating paaralan. Kami ang magsisilbing taga-pakinig ng kanilang mga problema at suhestiyon upang mapanatili ang kaayusan sa ating paaralan. Tuwing huling lunes ng buwan ay aming ipapahayag ito sa harap ng mga guro at nakatataas upang ito ay mapag-usapan at makapag-gawa ng solusyon. Sa aming partido ay nais namin na mapakinggan ang bawat isa, ang pagiging inklusibo sa lahat ng mag-aaral ay palaging pananatilihin.
COMMUNITY SERVICE
Nais pa rin namin ipagpatuloy ang pagkakaroon ng Best Classroom para sa taon ngayon ng pag-aaral. Layunin din namin magkaroon ng linggo linggong paglilinis ng paligid ng paaralan ang miyembro ng Studen Activity Council upang mapanatili ang kalinisan ng ating paligid at upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit.
RESTORATION OF RESTROOMS / COMFORT ROOMS
Layunin nito ang pagpapasaayos ng mga pintuan at mga cubicles na maisa-ayos ang mga flush nito. Kasama dito ay ang mapa-ayos ang mga salamin na nakalagay sa mga palikuran at paglilinis ng paligid nito. Sa pamamagitan ng plataporma na ito ay maiibalik natin ang kalinisan at kaayusan ng ating palikuran para sa mga estudyante, guro, at bisita na gumagamit nito. Kapag malinis ang palikuran, maiiwasan ang mga sakit sa katawan.