MGA NATAMONG PAARANGAL NG ORGANISASYON
MGA NATAMONG PAARANGAL NG ORGANISASYON
Buong pusong ipinagmamalaki ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang matagumpay na re-accreditation ng organisasyon para sa Taong Panuruan 2025–2026.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap at dedikasyon para sa organisasyon. Nawa’y magsilbi itong susi upang patuloy tayong makapaglingkod sa kapwa mag-aaral at patatagin pa ang adhikain para sa mga proyekto at aktibidad na nakapagpapayabong sa wika at kultura.
KMF, sa pagtatapos ng dalawang araw na selebrasyon ng pagsasama at pagkakaisa ng kolehiyo, nawa’y baunin ninyong mga Ka-KamFil ang inyong mga natutuhan.
Sa inyo mga MAKATAlinong KMFighter, maraming salamat sa labang hindi ninyo sinukuan, sa mga pagkadapang pilit ninyong ibinangon, at tagumpay na resulta ng inyong pagkakaisa. Dahil sa inyong lakas at nag-aalab na damdamin upang maitaas ang bandera ng KMF, nakamit ninyo ang pangkalahatang ikatlong pwesto. Isa itong karangalan bunga ng inyong matibay na samahan at pagtutulungan.
Isang mainit na pagbati sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa kanilang natatanging galing na ipinamalas sa Pusong Umaalab: A Short Film Making 2026. Ang maikling pelikulang “INTAN, BASANG”
Ay matagumpay na nakamit ang mga sumusunod na karangalan:
2nd Place- Best Trailer
3rd Place- Music Score
5th Place- Cinematography
5th Place- Gross Film
6TH Place- Best Poster
5TH Place- Best Film
Isang maainit na pagbati sa Kapisanan ng mga mag-aaral sa filipino para sa kanilang matagumpay na pagkasungkit ng ikalimang Pwesto para sa 2026 Campus-level search for the best Outstanding Specialized Organization.