MGA AKTIBIBAD SA BUWAN NG AUGOSTO
MGA AKTIBIBAD SA BUWAN NG AUGOSTO
Isang makabuluhan at hindi malilimutang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang matagumpay na naisagawa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”. Sa pamamagitan ng selebrasyon, ipinagbunyi natin ang ating wika at kultura nang may pagkakaisa at pagmamalaki.
Tampok sa pagdiriwang ang iba't ibang aktibidades na talaga namang napa-wow ang lahat sa mga ipinamalas na talento ng mga ka-KamFil. Mula sa kanilang mga tinatagong galing sa kinagisnang laro, kaaalaman sa tagisan ng talino, malikhaing pagsulat, makabagbag damdamin na pagbigkas at hanggang sa pag-awit. Tunay na kahanga-hanga ang ipinakita ng bawat isa na nagpatibay sa diwa ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa sarili nating wika.
"Ang pamumuno ay hindi nasusukat sa panahon, kundi sa bakas na naiiwan sa puso ng iba."
Isang pagbabalik-tanaw at pagpupugay sa mga dating opisyales ng KMF! Sila'y ginawaran bilang pagkilala sa kanilang tapat na paglilingkod at sakripisyo sa ating organisasyon.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG SETYEMBRE
Isang matagumpay na LEPT Review ang isinagawa noong ika-17 at ika-18 ng Setyembre, na naging daan upang higit na mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng ating mga LEPT Takers.
Buong puso po kaming nag papasalamat sa aming mga minamahal na guro na sina Ma’am Maria Vanesa Campani, MAED, Ma’am Corazon M. Matammu, PhD, Ma’am Grace L. Siplac, MST at si Prof. Alma Bangayan-Manera, PhD, sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga medyor sa Filipinong sasalang sa pagsusulit upang maging lisensyadong guro. Ang kanilang dedikasyon ay nagbigay inspirasyon, kumpiyansa at upang higit na mahubog ang kakayahan ng ating mga mag-aaral sa medyor sa Filipino at mas mapagtibay pa ang kanilang kakayahan bilang mga susunod na tagapagturo sa Filipino.
MOBILE JOURNALISM
Ika-19 ng Setyembre 2025 naidaos ang isang mahalagang seminar na nakatuon sa paglikha ng epektibong mobile journalism at vlogging. Pinangunahan ito ng mga butihing tagapagsalita na sina Bb. Nerissa Domingo De Asis at Bb. Charity Tangonan Gannaban na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan tungkol sa paglinang ng mobile journalism at vlogging.
Isang matagumpay na programa ang naisagawa kahapon, ika-18 ng Setyembre 2025, na naglalayong linangin ang galing at talino ng mga mag-aaral sa Filipino.
Kabilang sa mga patimpalak ang Dagliang Talumpati, Pagkukuwento, Tauhan Ko, Akto Mo!, at Mobile Journalism na nagbigay-daan upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagsasalita, pagkamalikhain, at kritikal na pag-iisip.
Isang makabuluhang EduKreatib Webinar ukol sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo ang matagumpay na isinagawa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino kahapon, Setyembre 26.
Layunin ng webinar na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral hinggil sa malikhaing paggawa at tamang paggamit ng kagamitang pampagtuturo. Bilang magiging guro sa hinaharap, hinuhubog din ng aktibidad na ito ang kanilang kakayahan sa pagdidisenyo ng materyales na angkop sa kurikulum, konteksto, at pangangailangan ng mga mag-aaral.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG OKTOBRE
Isang masigla, puno ng kasiyahan, tawanan, at samahan ang naganap sa makabuluhang programa na idinaos bilang pagpupugay sa ating mga guro sa Filipino, Oktubre 10, 2025.
Layunin ng programa na maghandog ng taos-pusong pasasalamat sa mga propesor ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at bigyang pugay ang kanilang dedikasyon sa pagtuturo at walang kapagurang paghubog sa mga mag-aaral bilang mga guro sa hinaharap.
Noong ikaw-24 ng Oktubre ay naganap ang seminar na may temang “KALMA: Kalusugan ng Isip at Lakas sa Mabisang Aruga”. Inumpisahan ang programa sa pagbibigay ng pambungad ng mensahe ng pangulo ng organisasyon at sinundan ng ikalawang pangulo sa pagpapakilala ng tagapagsalita.
Pinangunahan ng butihing tagapagsalitang si Bb. Cyra S. David ang nasabing seminar kung saan ibinahagi niya ang kaniyang kaalaman, damdamin, at saloobin tungkol sa pagbabalik loob o pagbabalik sa tunay na sarili—ibinahagi niya ang pagtanggap at pagpapahalaga sa sarili, bakit mahalagang pag-usapan ang kalusugang pangkaisipan.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG DISYEMBRE
Ngayong ika-30 ng Nobyembre, taos-puso ang suportang baon ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino para sa ating LEPT Takers.
Sama-samang nagtulong-tulong ang mga guro, opisyales at mga boluntaryo upang makapaghatid ng pagkaing magsisilbing lakas sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Sigaw nang pagbati, tuwa sa matinding determinasyon, at yakap para sa tagumpay – ‘yan ang ipinaramdam ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa mga sumalang na Medyor sa Filipino sa katatapos na Licensure Examination for Professional Teacher.
Bitbit ang kanilang inihandang Banner, may pagmamalaking sinalubong ng KMF ang lahat ng sumalang sa pagsusulit. Ipinaabot ng bawat isa ang kanilang mainit na pagbati para sa mga desidido at matatapang na mga Ka-KamFil.
Ang mga kalahok ng nasabing aktibidad ay nagpamalas ng husay sa pagpapakitang-turo gamit ang iba’t ibang estratehiya at kagamitang panturo na talaga namang nagpabilib sa bawat isa. Kaugnay rito, nauna nang gumawa ng Banghay-Aralin ang Unang Taon hanggang Ikatlong Taon noong Oktubre kung saan sa tulong ng mga mag-aaral ng Ikaapat na Taon ay matagumpay itong naisagawa.
Matagumpay na naisakatuparan ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang gawaing pagtatanim sa Annafunan East, Tuguegarao City ngayong ika-13 ng Disyembre 2025. Sa aktibidad na ito, sama-samang nagpunla ang mga mag-aaral ng kamatis, talong, at okra bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan. Sa sama-samang pagkilos, sipag, at malasakit sa kalikasan, ipinamalas ng KMF ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Ngayong ikaw-13 ng Disyembre, 2025, ipinadama ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang diwa ng pasko sa mga bata, partikular sa mga kabataan ng Annafunan East, Tuguegarao City. Binigyan buhay ang natutulog na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagpapalaro at pagbibigay regalo. Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ng opisyales ng kapisanan.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG ENERO
Isinagawa ngayong araw, ika-19 ng Enero 2026, ang Victory Parade at Testimonial Program ng mga nakapasa sa November Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) bilang pagkilala sa kanilang natamong tagumpay. Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyales ng unibersidad, mga propesor, at mga mag-aaral ng Cagayan State University (CSU) na buong pagmamalaking namang nagbigay-pugay sa mga bagong lisensyadong guro. Naging tampok sa nasabing programa ang paggawad ng sertipiko bilang pagkilala sa kanilang tagumpay at ang pagbibigay ng mensahe ng mga pumasa kung saan nagsilbi itong insipirasyon sa mga mag-aaral.
Matagumpay na isinagawa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang tutoring session para sa mga mag-aaral mula una hanggang ikatlong baitang ng Namabbalan Integrated School.
Layunin ng tutoring na matulungan ang mga bata na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa. Kasabay nito, hinahangad ng organisasyon na palakasin ang tiwala ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at bigyan sila ng masiglang pananaw sa pag-aaral.
Ngayong araw, ika-31 ng Enero, 2026, matagumpay na isinagawa ang Feeding Program sa Namabbalan Integrated School, sa pangunguna ng mga kasapi ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino. Ito ay isang gawaing naglalayong ipadama ang malasakit at pag-aaruga sa mga mag-aaral. Sa simpleng handog na pagkain at oras, napuno ng ngiti at sigla ang mga bata na buong galak na nakiisa sa programa.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad na EcoBayanihan sa Namabbalan Boulevard, Tuguegarao City noong ika-31 ng Enero, sa patnubay ni Gng. Ann Sugay Guzman, isa sa mga kagawad ng nasabing barangay. Ito ay bilang tugon sa pangangailangang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng kapaligiran.
Layunin ng gawaing ito na mahikayat ang komunidad sa aktibong pakikilahok sa pangangalaga ng kalikasan at maiangat ang kamalayan sa tamang pamamahala ng basura.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG PEBRERO
Matagumpay na naisagawa ng organisasyon ang LIGTAS, isang seminar tungkol sa pagpapalawak ng kaisipan at kaalaman sa larangan ng Sex Education. Layunin ng programang ito na buksan ang isipan ng mga mag-aaral at magbigay ng tamang impormasyon sa gitna ng mga maling akala sa lipunan.
Sa pangunguna ni Ginoong Leinard Bangayan, PhD, RPsy, RGC, ibinahagi niya ang kanyang kaalaman sa mga mag-aaral. Ang kanyang malalim na pagtalakay ay hindi lamang nagbigay ng kaalaman, kundi nagturo rin ng pagpapahalaga sa sarili at responsableng pagdedesisyon.
Muling nabuhay ang sigla, kulay, at diwa ng pagkakaisa sa ginanap na Pistang KMF, isang makabuluhang aktibidad na nagtipon sa mga miyembro ng organisasyon upang ipagdiwang ang kultura, at talento. Sa bawat ngiti at tawanan, dama ang masiglang samahan na bumuo sa diwa ng selebrasyon.
Pinagyaman ang Pistang KMF ng iba’t ibang pagtatanghal at gawain na nagbigay-daan upang maipamalas ng bawat kalahok ang kanilang husay at kakayahan. Naging entablado ito ng talento, lakas ng loob, at malikahing pag-iisip na tunay na sumasalamin sa diwa ng kabataan.
Isang makabuluhan at punong-puno ng damdamin ang naganap sa pagdiriwang ng Tinig ng Puso: Alon ng Damdamin sa Karagatan ng Pag-ibig, noong ika-13 ng Pebrero, 2026. Sa pamamagitan ng tula, musika, at malikhaing paggawa ng video reels , naipamalas ng mga KaKam-Fil ang lalim at ganda ng pag-ibig sa iba’t ibang anyo nito. Patunay na kahanga-hanga ang angking galing at talento ng mga Medyor Filipino.
Matagumpay na ginanap noong ika-13 ng Pebrero ang CINE-OBRA: Mga Natatanging Likha, kung saan ang entablado ay napuno ng matinding tagisan ng talento, puso, at malikhaing pagpapahayag ng pag-ibig.
Sa disperas ng Araw ng mga Puso, hindi lang pag-ibig ang umapaw, kundi pati husay at dedikasyon ng bawat kalahok. Bawat obra, may tibok. Bawat kwentong natunghayan ay may aral, kilig, at tusok sa damdamin. Ramdam ang alab, sigawan, palakpakan, at suporta ng bawat isa, na bumalot sa buong aktibidad. Isang patimpalak na hindi lamang basta paligsahan, kundi selebrasyon ng pag-ibig gamit ang sining ng puso.
Ngayong ika-21 ng Pebrero, matagumpay na naisagawa ang aktibidad na KMF EduAksyon Kontra Dengue sa Pengue-Ruyu, Tuguegarao City sa pangunguna nina Hon. George D. Pagunuran — Barangay Captain, Marlon M. Calebag — Sangguniang Barangay Member, at Abigail Bangayan — SK Chairman ng nasabing barangay, katuwang ang iba pang masisipag na opisyales at kasapi ng kapisanan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nabigyang-kalinisan ang kapaligiran, natanggal ang mga posibleng pamugaran ng lamok, at naipalaganap ang tamang kaalaman hinggil sa kalinisan at kaayusan— na nagbigay-daan upang maipamalas ng bawat isa ang malasakit sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad.
MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG MARSO
Matagumpay na naisagawa ang makabuluhang seminar na “MAHAL KONG JUANA: Programang Pangkalahatan para sa Kababaihan,” na kung saan naging pokus ng talakayan ang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa karapatan ng kababaihan. Sa pamamagitan ng detalyadong pagtalakay ni Atty. Raizza Ryelle M. Birung, binigyang importansya niya kahalagahan ng pag-unawa sa mga batas na nagpoprotekta sa bawat babae laban sa anumang anyo ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Matagumpay na ginanap ang webinar na pinamagatang “Tara Nang Magsulat: Ang Multiverse ng Panulatang Pilipino.” Ang gawaing ito ay pinangunahan ng Kapisanan ng mga Filipinong Awtor at Manunulat sa Pilipinas, Inc., katuwang ang ASSETT of the Philippines, Inc. at SAGIP-WIKA.
Matagumpay na isinagawa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang PAGITULUD: SUPORTANG ALAY PARA SA KMF LEPT TAKERS sa Tuguegarao Northeast Central Integrated School ngayong araw, Marso 15, 2026.
Ang Pagitulud ay bahagi ng taos-pusong pagsuporta ng Kapisanan para sa mga nagsipagtapos na kumuha ng pagsusulit upang maging ganap na lisensyadong guro. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga butihing guro na sina Gng. Corazon Matammu at Vanessa Camapani kasama ang mga opisyales ng kapisanan.