TUNGKOL SA AMIN

Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KMF) ay isang kinikilalang organisasyon ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa College of Teacher Education ng Cagayan State University- Andrews Campus.

Layunin ng KMF na paunlarin ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at panitikang Pilipino habang hinuhubog ang kanilang kakayahan bilang mga magiging guro at lider ng hinaharap.

Sa pamamagitan ng iba't ibang gawaing akademiko, kultural, at panlipunan, nagsisilbi ang KMF bilang tagapagtaguyod ng pambansang identidad at kahalagahan ng wikang Filipino sa makabagong panahon.