Ang Project Malasakit ay isang foundation o proyekto na tumutulong sa mga tao na magkaroon ng scholarship na itinatag ni Kara David noong 2002. Sa kabila ng lumalalang pangungutya sa bansa, naniniwala ang Project Malasakit na likas na mahabagin ang mga Pilipino.
Kailangan lang natin ng may kapani paniwala, konkretong bagay na i channel ang ating “malasakit”. Misyon nitong na maging tulay ang agwat sa pagitan ng mga Pilipinong gustong tumulong sa mga batang Pilipino na kailangan ng tulong.
Ang unang scholar ng Project Malasakit. Nakatira si Myra sa isang liblib na komunidad ng bundok sa Mindoro Oriental. Gumagawa si Kara ng isang dokumentaryo sa mga komunidad na hindi pa naaabot ng kuryente sa modernong panahon. Sa kabila ng kadilimang bumabalot sa kanila, nananatiling optimistiko ang mga anak ng Little Baguio, Mindoro Oriental sa kanilang kinabukasan. Nakikita nila ang edukasyon bilang isang liwanag na gagabay sa kanila palabas sa kadiliman. Matapos ang pitong taong suporta, mayroon na ngayong sariling computer at cell phone repair shop si Myra at na itinataguyod niya na sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid.