Sa pagpupursigi niya sa trabaho, nagbigay daan ito para maging manunulat sa “GMA’s public affairs programs”, “Brigada Siete” at “Emergency.” Masaya siya bilang isang manunulat at sinasabi niyang hindi pa rin siya makapaniwalang nagagawa na niya ang gusto niya.
Naging reporter siya sa Brigada Siete (1995) at i-Witness (2001), bago naging news anchor sa News to Go taong 2011 at TV host program ng Power House (2013), Pinas Sarap (2017), and Brigada (2019).
“Nilalagay ko sa utak ko na I am a storyteller. ‘Paano ko ba pinakamagandang maikukuwento itong istorya na ’to?’ Ganun lang siya. “Kasi ’pag mas simple, mas sinsero. Wala masyadong palabok. Wala masyadong arte. Wala masyadong gimik."
'Gamu-gamo sa Dilim'
“Doon ko narealize na ‘Ay, ito ang calling ko’, doing stories about people living in the remote communities and showing kung gaano sila katatag.
“Hindi man sila naaabot ng ilaw, hindi naaabot ng kuryente, hindi naaabot ng kalsada, hindi naaabot ng ospital, ng ambulansya, pero ang yaman-yaman nila sa bayanihan, ang yaman-yaman nila sa malasakit.”