Panimula
Ang modyul na ito ay tungkol sa Retorika ng wikang Filipino. Sinasaklawan nito ang katangian, kasaysayan, kanon, gampanin at iba pa.Simula noon hanggang sa kasalukuyan, wika ang pangunahing instrumento ng tao sa pakikipagtalastasan, pasalita man o pasulat. Hindi maitatanggi na isang pangngangailangan sa eksistens ng tao ang wika, Sa pamamagitan ng wika ay naituro ng magulang sa anak kung ano ang Mabuti at masama, Wika rin ang ginagamit ng mga manananggol at peryodista sa pagsisiwalat ng mga katotohanan.
May malaking malaking maugnayan ang wika sa tagumpay o kabiguan ng isang tao. Ang pag-aangkin ng iba’t ibang antas ng kaalaman at kasanayang kaugnay nito ay maituturing ding sanhi ng iba’t ibang antas ng tagumpay o kabiguan ng mga tao. May mga eksperto ang nagsasabing “Ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ko sa mundo- Ludwig Wittgenstein”. Pansining karamihan o hindi man lahat sa mga matatagumpay na tao sa lipunan ay may mataas na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag.
Isang katotohanan na hindi mapasubalian ang paraan ng paggamit ng wika ay maaaring magbunga ng pagbabago sa isip, damdamin at maging sa gawi ng mga tao. Sa madaling sabi ang wika ay may taglay na kapangyarihan. Maaari itong magpakilos sa tao at lipunan. Maaari nitong baguhin ang kasaysayan. Maaari nitong salaminin ang nakaraan, ilarawan ang kasalukuyan at balangkasin ang kinabukasan.
Ang paulit-ulit na karanasan sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon ay may malaking ambag upang higit na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at matukoy ang ibig sabihin o nais na ipakahulugan ng mga taong sangkot sa komunikasyon. Kailangang angkop ang mga salitang bitawan sa pakikipag-usap lalo na sa larangan ng akademiko. Ano ang kailangan upang maging mabisa ang isang tagapagkomunika?
Pangkalahatang Layunin
Matalakay ang mga kaalaman at kasanayang panretorika
Maunawaan ang angkop na gamit ng mga salita ayon sa konteksto ng lipunang Pilipino
Malinang ang pagpapahalaga at pag-unawa sa angkop na gamit ng retorika at wika
Aralin : Kahulugan, Kasaysayan, Kanon, Katangian at Saklaw at Gampanin ng
Retorika
Panimula
Pag-aaralan mo ngayon ang Kahulugan, Kasaysayan, Kanon, Katangian at Saklaw at Gampanin ng Retorika. Sa website na http://www.gsu.edu, mababasa mo ang mga kahulugan ng Retorika. Binigayang kahulugan at inilarawan ang disiplinang ito ng mga pangunahing awtoridad sa larangang ito sa iba’t ibang lokasyon at panahon.
Dahil sa ebolusyon ng teknolohiya, marami ang nagbago sa nakaugaliang paraan at paggamit ng wika sa komunikasyong pasalita man o pasulat. Ang bawat wika may tiyak na ayos o salansan ng mga salita upang makalikha ng makabuluhang mensahe.
Samantala, sa pagtalakay naman ng mga katangian ng wika, masasalamin ito sa kahulugang ibinigay ni Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Katulad ng isang katawan ay binubuo ng iba’t ibang Sistema tulad ng Sistema sa paghinga, sa pagtunaw, sa pag-iisip at marami pang iba. Ang bawat Sistema ay may sinusunod na proseso upang maayos na magampanan ang kanilang tungkulin sa katawan. Katulad ng wika, kung hindi susundin ang masistemang balangkas, magkaroon ng problema sa pagkatuto ng wika.
Layunin
Naibibigay ang mga kaisipan na nakapaloob sa Kahulugan, Kasaysayan, Kanon, Katangian at Saklaw at Gampanin ng Retorika
Nakasusulat ng isang komposisyon na magbibigay diin sa wastong paggamit ng mga salitang panretorika
Nakapagsasagawa ng pananaliksik-aklatan, internet tungkol sa iba’t ibang komposisyon.
Pagtalakay
Kahulugan ng Retorika
Pansinin ang ilan sa mga ito:
Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng panghihikayat sa anumang partikular na kaso (Aristotle).
Ang Retorika ang art of winning soul sa pamamagitan ng diskurso (Plato).
Ang Retorika ay pagpapahayag na disenyo upang makapanghikayat (Cicero).
Ang Retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita (Quintillian).
Ang tungkulin ng Retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinasyon para sa higit na mabuting pagkilos ng disposisyon (Francis Bacon).
Ang Retorika ay isang arte o talent na ginagamitan ng diskurso tungo sa layuning maglinaw ng pag-unawa, umaaliw ng imahinasyon, magpakilos ng marubdob na pagnanasa o makaimpluwensiya ng disposisyon (George Campbell).
Ang Retorika ay isang sining ng pagbabalangkas ng argumento upang mapahalagahan ng mga tagapakinig ng mambabasa (Philip Johnson).
Ang Retorika ay sining, praktis at pag-aaral ng komunikasyong pantao (Andres Lunsford).
Ang pinakakaraktiristik na konsern ng Retorika ay ang manipulasyon ng paniniwala ng mga tao para sa isang tunguhing pampolitika; ang salalayang tungkulin nito ay ang paggamit ng mga salita upang hubugin ang attitude at pakilusin ang ibang tao (Kenneth Burker).
Ang Retorika ay maaaring maiugnay sa enerhiyang inerhiyang inherent sa komunikasyon: ang emosyonal na enerhiyang nagbubunsod sa isang tao na magsalita, ang pisikal na enerhiyang gjnagamit sa pagsasalita, ang antas ng enerhiyang nasa likod ng mensahe at ang enerhiyang nararanasan ng tagatanggap sap ag-eenkowd ng mensahe (George Kennedy).
Ang Retorika ay isang paraan ng pag-aalter ng reyalidad hindi sa pamamagitan ng direktang aplikasyon ng enerhiya sa mga bagay-bagay, kundi sa pamamagitan ng paglikha ng diskursong nakapagbabago ng reyalidad (Lloyd Bitzer).
Ang Retorika ay disiplinang nakatuon sap ag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng mga tao upang makaimpluwensya ng pag-iisip at gawi ng iba sa pamamagitan ng estratedyek na paggamit ng mga simbolo (Douglas Ehninger).
Ang Retorika ay isang instrumental na paggamit ng wika. Ang isang tao ay nakikisalamuha sa ibang tao sa pamamagitan ng palitan ng mga simbulo tungo sa isa o mga layunin. Hindi ito komunikasyon para sa kapakanan ng komunikasyon lamang. Ito ay kumunikaskon na nagtatangkang ikoordeynet ang mga panlipunang pagkilos. Dahil dito, ang retorikal na komunikasyon ay lantarang pragmatik. Ang layuni nito ay implwensyahan ang pagpapasya ng mga tao hinggil sa mga espesipiko na bagay na nangangailangan ng agarang atensyon.(Gerard A. Hauser).
Ang retorika ay proseso ng paggamit ng wika upang mag-organisa ng karanasan at maikomyunikeyt iyon sa iba. Ito ay isa ring pag-aaral ng paraan ng paggamit ng wika ng isang tao sap ag-organisa at pagkokomyunikeyt ng mga karanasan (C.H. Knoblauch).
Ang Retorika ay isang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at iba pang simbulo upang isakatotohanan ang mga layuning pantao. Ito ay isang praktikal na pag-aaral na nagbibigay sa tao ng matinding control sa kanilang mga simbulismong Gawain (Charles Bazerman).
Pahayaw na Pagtalakay sa Kasaysayan ng Retorika
Nahahati ang pag-aaral ng kasaysayan ng Retorika sa tatlong yugto: Ang una, Klasikal na Retorika, ikalawa, Retorika sa Gitnang Panahon at ikatlo, Modernong Retorika. Tunghayan ang mga sumusunod:
1.Klasikal na Retorika.
Ang elokwens na ipinamalas nina Nestor at Odysseus sa Iliad ay naging dahilan upang kilalanin si Homer ng maraming griyego bilang ama ng oratoryo. Ang pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon sa Atenas noong 510 BC ay nagtakda sa lahat ng mga mamamayan ng pangangailangan ng serbisyong publiko. Mula noon, naging pangunahing pangangailangan na rin ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala. Tinatawag silang mga Sophist. Sila’y nagsikap upang gawing higitna mabubuting tagapagsalita ang tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining. Si Protagoras, ang kauna-unahang Sophist, ay nagsasagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa kanyang mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay nagagawang malakas sa isang pahayag o talakayan.
Sinasabing ang aktwal na tagapagtatag ng Retorika bilang isang agham ay si Corax ng Syracuse noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay Artificer o persuation at umakda ng unang handbook hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang maestro ng retorika sa panahong iyon ay sina Tisias ng Syracuse, isang mag-aaral ni Corax; Gorgias ng Leontini na nagpunta sa Atenas noong 427 BC; at Thrasymachus ng Chalcedon na nagturo rin sa Atenas. Si Antiphon naman, una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya - pratika ng retorika. Ngunit si Isocrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal.
Tinutulan naman ni Plato, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa retorika. Binigyang-diin ni Plato ang panghikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay niya ang mga simulating bumbuo sa esensya ng retorikal na sining sa Phaedrus. Samantala, sa akdang Rhetorics, inilalarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong Griyego, ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang panghihikayat. Samakatwid, binibigyang-diin niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa emosyon. Itinuturing niya ang Retorika bilang counterpart o sister art ng lohika.
Samantala, sa Roma ay nakilala sina Cicero at Quintillian, bagama’t ang mga unang guro ng pormal na Retorika noon doon ay mga Griyego. Sila ang tinaguriang dakilang maestro ng praktika na retorika, kahit pa sila mga madelong Greyigo. Si Cicero ang umakda ng On the Orator, Institutio Oratoria at The Training of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinalalagay na masusing pagdulog sa mga simulain ng retorika at sa kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyong Romano, ang retorika ay itinuturo ng mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay nagging isang titulong akademiko.
2.Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabjek ng trivium o tatlong sabjek na preliminari ng pitong liberal na sining sa mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika. Ang mga pangunahing midyebal na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at ikapitong siglo: sina Martianus Capella, awtor ng isang ensayklupedya ng pitong liberal na sining (aritmitik, astronomi, dyometri, musika, grammar, lohika at retorika); Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan at tagapagtatag ng mga monastery na umakda ng Institutiones Divinarum et Humanarum Lec-tionum at si San Isidore ng Seville, isang Kastilang Arsobispo na nagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa Ancient World. Sa panahong ito, ang retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon na tinawag na tatlong “artes”:paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.
Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag-aaral ng retorika ay muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian. Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang nalikha sa panahong ito kabilang ang The Art or Crafte of Thethoryke ng Inglaterong punong guro at manunulat na si Thomas Wilson. Noong ika-16 na siglo, nakilala sina Pierre de Courcelles ar Andre de Tonquelin, mga retorisyanong Pranses. Sa buong panahon ng Renasimyento, ang retorika ay itinakdang sabjek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga kompetisyon na nakatutulong upang panatilihing buhay abg praktika ng retorika.
3.Modernong Retorika
Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng halaga ang retorika, bagama’t sa teoritikal na aspeto lamang at hindi sa praktikal, sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng mga oportunidad para sa epektibo na oratoryo sa politikal na arena. Sa ilawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng retorika. Mangilan-ngilan lamang ang mga kaugnay na akdang naging popular sa panahong ito kabilang ang Lectures on Rhetoric (1783) ng paring Scottish at ang Rhetoric (1828) ni Richard Whately, isang Britong eksperto sa lohika.
Sa unang hati ng ika-20, nagkaroon ng mulung pagsilang ng pag-aaral ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng Semantiks, isang agham ng Linggwistika. Ito ay naganap sa kabuuan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang ingles sa daigdig. Ang modernong edukador at pilosopong nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon sap ag-aaral na ito ay sina I.A. Richard, isang Britong kritiko ng Literatura at Kenneth Duva Burke at John Crowe Ramsom, mga Amerikanong kritiko rin ng Literatura.
Mga Kanon ng Retorika
Sa bahaging ito ng talakayan, bibigyang-diin ang mga Kategorya o Kanon ng Retorika. Ito ay ang mga sumusunod:
1.Imbensyon
Ito ay mula sa salitang Latin na invenire na ang kahulugan ay to find. Ang kanon na ito ay nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na naging kombensyonal na hanguan ng mga retorikal na materyales. Tinatawag itong topics of invention o topoi sa griyego. Mga halimbawa nito ay sanhi at epekto, comparison at iba pang ugnayan.
Ang imbensyon ay nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano iyon sasabihin. Inilalarawan din ito bilang ubod ng panghihikayat. Sa katunayan, inilalarawan ni Aristotle ang Retorika bilang pagtuklas sa pinakamabuting abilabol na paraan ng panghihikayat at ang impotanteng hakbang ng proseso ng pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis.
2.Pagsasaayos
Nakatuon sa kung paano pagsusunod-sunorin ang isang pahayag o akda. Sa matandang retorika (ancient rhetoric), ang pagsasaayos ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod na dapat iobserba sa isang oratoryo, ngunit ang kanon na ito ay nag-iinklud na rin ng lahat ng konsiderasyon sa pagsasaayos ng ano mang uri ng diskurso.
Ganito ang karaniwang pagsasaayos ng isang klasikong oratoryo:
Introduksyon (exordium)
Paglalahad ng Katotohanan (narratio)
Dibisyon (partitio)
Patunay (confirmatio)
Reputasyon (refutatio)
Konklusyon (peroratio)
Ganito ang paglalarawan ni Cicero sa gayong ayos: Sa Introduksyon, kailangang mag-establish ng isang orador ang kanyang awtoridad. Kailangan niyang gumamit ng mga etikal na panghikayat o apil. Sa apat na mga kasunod na bahagi (paglalahad ng katotohanan, dibisyon, patunay at reputasyon), siya ay kailangang gumamit ng mga lohikal na argumento. Sa konklusyon naman, tinatapos niya ang kanyang oratoryo sa pamamagitan ng mga emosyonal na panghikayat o apil.
3.Istayl
Nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang imbensyon ay nauukol sa ano ang sasabihin, ang istayl ay nauukol sa paano iyon sasabihin. Sa pananaw retorikal, ang istayl ay hindi incidental, superpisyal o suplementari sapagkat tinutukoy nito kung paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano ito nakukostomays sa mga kontekstong komunikatibo. Ang istayl ay hindi rin isang opsyonal na aspeto ng diskurso. Ang istayl ay esentyal sa retorika sapagkat ang kaanyuan o ang linggwistik na kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay ay bahagi ng mensahe, katulad ng nilalaman o content. Wika ng ani MacLuhan,The medium is the message.
4.Memori
May kaugnayan sa mnemonics o memory aids na tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit ang kanon na ito ay higit pa sa pagmememorya ng isang inihandang talumpati para sa representasyon. Nakapaloob din sa kanong ito ang pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon upang magamit sa isang partikular na okasyon. Ang memori ay nauugnay hindi lamang sa pagmememorya ng isang talumpati para sa deliberi, kundi maging sa mga pangangailangang improbisasyonal ng isang ispiker o tagapagsalita. Kaugnay nito, kung gayon, ang Kairos o ang sensitibiti sa konteksto ng isang sitwasyong pangkomunikasyon.
5. Deliberi
Madalas na hindi natatalakay sa mga tekstong retorikal, ang kanong ito ay napakahalaga sa retorikal pedagodyi. Ang kahalagahan nito ay binibigyang-diib sa mga pagtalakay ng exercitatio (mga practice exercises) at naipakikita sa deklamasyon ng mga retorikal na edukasyon.
Ang deliberi ay unang tinawag na pasalitang retorika na ginamit sa mga pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaarin ring ituring bilang isang aspeto ng retorika na nakatuon sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat.
D. Katangian ng Retorika Bilang Isang Sining
1.Isang kooperatibong sining. Hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan. Sa pamamagitan nito, kung gayon,napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat at mambabasa.
2.Isang pantaong sining. Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat, Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang eksklusibo ring sining ng tao at para sa tao.
3.Isang temporal na sining. Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwahe ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang panahon at magbabago rin ang retorika.
4.Isang limitadong sining. Maaari nitong paganahin ang ating imahinasyon at gawing posible ang mga bagay na imposible sa ating isipan. Ngunit sa realidad, hindi lahat ng bagay ay magagawa nito. Ang retorika ay hindi Diyos na nakakapagpagalaw ng bundok, nakapagpaparami ng pagkain o nakapaghahati ng dagat. Samakatuwid, kung sa imahinasyon ay walang limitasyon ang retorika, sa realidad ay limitado ang kanyang gawin nito.
5. Isang may kabiguang-sining. Hindi lahat ng tao ay magaling sa paggamit ng wika. Marami sa atin ang limitado ang kaalaman at kasanayan sa wika. Idagdag pa rito na ang wika ay likas na komplikado. May mga tuntunin itong masalimuot at sadyang nakalilito. Bunga nito, hindi lahat ng tao ay nagtatagumpay sa layunin sa lahat ng pagkakataon. Sa ilang mga tao sa ilang mga okasyon, ang retorika ay nagiging isang frustrating na karanasan.
6. Isang nagsusupling na sining. Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawa, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at nagbibinhi ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika hangga’t may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa.
Saklaw at Gampanin ng Retorika
Saklaw ng Retorika ang mga sumusinod:
Wika
Sining
Pilosopiya
Lipunan
Iba pang larangan
Ang gumagamit ng retorika, pasalita man o pasulat ay isang artistikong mapanlikha. Gumagamit siya ng mga simbulo upang bigyang-buhay ang isang ideya. Mula sa imahinasyon ay nagpapagana siya ng imahinasyon. Ito ay nagagawa niya sa pamgamagitan ng kanyang likhang-sining. Ngunit ang retorika upang maging mabisa ay kailangang sumunod sa mga tuntuning pambalarila. Wika ang midyum ng retorika kaya hindi maihihiwalay ng gramatika sa retorika.
Sa pagpapahayag ng ideya ng isang tao, maaari siyang maging pilosopikal ngunit kailangan niyang maging reasonable o makatwiran upang maipakita na ang kanyang mga argumento ay may padron ng sensibilidad upang matanggap ng iba.
Dahil siya’y isang mamamayan, kailangan niyang maging konsern sa lipunang kanyang ginagalawan. Kailangang maisaalang-alang niya ang realidad ng kanyang panahon. Isa ito sa tungkulin ng sino mang gumagamit ng retorika. Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng wika, sining, pilosopiya at lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat ang mga taong kasangkot doon. Maging sa ibang larangang ang retorika ay may malaking kinalaman. Kailangang wasto at angkop ang paggamit ng mga salita sa paraang pasalita o pasulat man.
Napakahalaga ang retorika sa buhay ng isang tao. Marami at Malaki ang gampaning papel nito sa atin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1.Nagbibigay- daan sa kominikasyon.
Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa paraang pasalita o pasulat upang maunawaan ng ibang tao.
2.Nagdidistrak.
Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa pagbabasa natin ng mga akda, maaaring madidistrak ang ating isipan sa mga masasakit na realidad sa ating lipunan. Halimbawa sa pakikinig ng dula sa radio o pagbabasa ng nobela, pansamantala nating naitutuon ang ating atensyon at konsentrasyon sa dulang pinakikinggan o nobelang binabasa, malayo sa mga suliranin o agam-agam na bumabagabag sa atin.
3.Nagpapalawak ng pananaw.
Sa tuwing tayo’y nakikinig o nagbabasa, maaaring may natutuhan tayong bagong kaalamang mahalaga. Hindi nga’t bang sinasabing ang retorika ay isang sining na nagsusupling at nagpapasa ng mga kaalaman? Bunga nito, nagiging kapaki-pakinabang ang retorika sa isang tao dahil sa pamamagitan nito lumalawak ang pananaw niya sa buhay.
4.Nagbibigay-ngalan.
Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinaganak nang walag leybel o antas. Dahil sa retorika, halimbawa, ang isang kamera ay naging Kodak, ang isang toothpaste ay naging Colgate, ang isang gasolinahan ay naging Caltex, ang isang kotse ay naging Toyota at ang isang kalye ay naging E.D.S.A.
5. Nagbibigay-kapangyarihan.
Dahil sa retorika, napakaraming tao ang naging promenente at makapangyarihan. Ang mga politiko, halimbawa, ay nahahalal dahil sa kanilang husay sa pananalumpati. Si Ninoy Aquino ay unang napatanyag dahil sa husay niya sa pagsusulit bilang isang peryodista noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga matatalinong ideya, malalalim na paniniwala at idyolohiya na naipahahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmumulan din ng mga kapangyarihan at kalakasan. Kabilang na rito ang mga paniniwala, konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham.
Buod
Ang Retorika kung gayon, ay isang teorya at praktikal ng pagpapahayag na pasalita at pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo. Binibigyang kahulugan ng retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at paged-deliver ng oratoryo na desinyo upang makaimpluwensya sa pagpapasya o damdamin ng ibang tao (http:Encarta.msn.com).
Ang pag-aaral ng kasaysayan ng Retorika ay nahati sa tatlong yugto: Ang una, Klasikal na Retorika; ikalawa, Retorika sa Gitnang Panahon at ikatlo, Modernong Retorika Ang pahapyaw na pag-aaral sa kasaysay ng retorika ay nagpapakita ng pagkilala sa naging kontribusyon o malaking naiambag ng mga ekspertong tulad nina Cicero at Quintillian, Aristotle Corax, Plato, Nestor at Odysseus. Sila ang nagbibigay kulay sa larangan ng Retorika.
Ang Retorika bilang sining ay nahahati sa limang pangunahing kategorya o kanon. Ang kanon na ito ay may silbing analitik at dyeneratib. Nagpoprobayd ang mga ito ng templeyt para sa kritisismo ng diskurso at nagbibigay ng padron para sa edukasyong retorikal. Ang mga literature sa retorika sa mga nakalipas na siglo ay tumatalakay sa limang kanon na ito, bagama’t konsistent ang mga iyon sa pagbibigay ng kaunting atensyon sa memori at deliberi.
Samantalang ang limang kanon na ito ay naglalarawan sa mga larangan ng atensyon sa retorikal na pedagodyi, dapat tandaang hindi lamang ito edukasyonal na templeyt para sa disiplina ng retorika. Mayaman ang literature ng retorika sa mga pagtalakay hinggil sa mga ugat o hanguan ng retorikal na abilidad at mga espesopikong uri ng retorikal na pagsasanay para sa paglinang ng linggwistik pasiliti nito.
Katulad ng pag-awit, ang retorika ay isang sining. Sa pamamagitan ng mga simbolo na maaaring pasalita o pasulat man, lumilikha ito ng isang likhang-sining na may taglay na sariling halagang estitiko na naiiwan o nagkaka bisa sa ating kaisipan., damdamin at kaasalan. Isang sining ito na may iba’t ibang katangian tulad ng isang kooperatibong sining, isang pantaong sining, isang temporal na sining, isang limitadong sining, isang may kabiguang sining at isang nagsusupling na sining.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng retorika sa buhay ng isang tao. Dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nakakaroon ng komunikasyon. Upang higit na maunawaan kung ano ang retorika, ipinakikita ito sa daloy ng ka