Ngayon, alam kong mayroon ka ng sapat na kaalaman sa paksang tinalakay. Sa kasunod na bahagi nito ang mga Gawain at ebalwasyon na siyang magpapagana sa iyong utak. Inaasahan kong magagawa mo at masasagot ang inihandang mga interaktibong Gawain.


Gawain:

Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang sumusunod na pahayag.

pansibiko trivium mambibigkas

kaalaman sining limitado

ngayon pananaw tao

political frustrating wika



1. Ang retorika ay isang kooperatibong_______________________________

2. Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-ri ng tao, ang Retorika ay nagiging isa ring

Eksklusibong sining ng/para sa___________________

3. Ang gumagamit ng Retorika ay nangungusap sa lenggwahe ng______

4. Kung sa imahenasyon ay walang limitasyon ang retorika, sa realidad ay______ang

kanyang gawin nito.

5. Sa ilang mga tao sa ilang lokasyon, ang Retorika ay nagiging isang_____na

karanasan

6. Ang Retorika ay nagsusupling ng mga_____________________________

7. ________________________ang midyum ng Retorika.

8. Sa pamamagitan ng Retorika, lumalawak ang ating______________sa buhay.

9. Ilan sa mga iskolar ang nagpapalagay na limitado ang saklaw ng Retorika sa

mga______na diskurso.

10. Ang mga nagtuturing sa Retorika bilang isang________ng sining ay naniniwala na

ang Retorika ay may kapangyarihang humubog ng mga komunidad.


Magsaliksik hinggil sa ilang prominenteng tao sa ating lipunan at sa mundo. Pag-usapan sa klase kung paanong ang Retorika ay nakatutulong sa kanilang tagumpay.

Gawan ng timeline ang kasaysayan ng Retorika. Ipasa ito online.

Sumulat ng isang payak na komposisyon hinggil sa iyong mga inaasahan sa pag-aaral ng kursong ito o sa iyong guro sa asignaturang ito. Ang komposisyong ito ay isang writing diagnostic na makatutulong sa iyong guro sa pag-alam ng iyong kalakasan at kahinaan sa pagsulat.



EBALWASYON

I.Tukuyin kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.


Aristotle Homer Antiphon

Plato Protagoras Corax

Cicero Sophist Syracuse

Quintillan Isocrates



1. Kinilala ng maraming Greyigo bilang ama ng oratoryo

2. Pangkat ng mga guro ng Retorika noong panahong klasikal

3. Ang aktwal na tagapagtatag ng Retorika bilang isang agham

4. Ang una sa itinuturing na Ten Attic Orators

5. Nagturing sa Retorika bilang counterpart o sister art ng lohika

6. Ang umakda ng On the Orator, Institution Oratoria at The Training of an Orator

7. Nagpalawak sa sining ng Retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at

Pilosopiya

8. Nagsabing ang Retorika ay pakulti ng pagtuklas ng abeylabol na paraan ng

panghikayat

9. Nagsabing ang Retorika ay art of winning soul

10. Nagsabing ang Retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita


II. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Titik T o M na lamang ang isulat.

11. Sa gitnang panahon, ang Retorika ay isang sabjek ng trivium.

12. Sa panahong midyebal ang Retorika ay nakasumpong ng pratikal na aplikasyon sa

tinatawag na tatlong artes.

13. Sa panahong renasimyento, ang pag-aaral ng Retorika ay muling ibinatay sa mga

akda ng klasikal na manunulat.

14. Sa simula ng ika-18 siglo, nabawasan ng importansya ang Retorika sa teoretikal na

aspeto.

15.Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal

na Retorika bunga ng pangganyak ng mga eksponent ng semantics.

16. Ang isang klasikong oratoryo ay kaniwang nagsisimula sa narratio.

17. Sa introduksyon at kongklusyon, kailangang gumamit ang isang orador ng mga lohikal

na argumento.

18. Sa dibisyon o partitio, kailangang ma-establish ng isang orador ang kanyang

awtoridad.

19. Sa reputasyon, tinatapos ng isang orador ang kanyang oratoryo.

20. Intelektwal na panghikayat o apil ang madalas na gamiting paraan ng pagwawakas

ng klasikal na oratoryo.

III.Tukuyin kung anong kanon ng retorika ang tinutukoy ng sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa hiwalay na papel.

Imbensyon Memori

Pagsasaayos Deliberi

Istayl Kanon



21. Orihinal na tinatawag na pasalitang Retorika na ginagamit sa mga pampublikong

Konteksto.

22. Nauugnay sa pangangailangang improbisyonal ng isang ispiker

23. Nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya

24. Nakatuon sa kung paano pagsusunod-sunorin ang isang pahayag o akda

25. Mula sa salitang Latin na invenire na ang ibig sabihin ay to find

26. Sa ancient Rhetoric, tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod na dapat iobserba sa

isang oratoryo

27. Nakatuon sa kung ano ang sasabihin ng isang awtor

28. Nauukol sa kung paano sasabihin ang isang ideya

29. Kaugnay nito ang Kairos o ang sensitibiti sa konteksto ng isang sitwasyong

pangkomunikasyon

30. Isang aspeto ng Retorika na nakatuon sa pampubikong presentasyon ng diskursodiskurso