REHISTRASYON
REHISTRASYON
Narito ang halaga ng rehistrasyon para sa conference kit, souvenir program, at pagkain sa loob ng tatlong araw na Kumperensiya (hindi kasama rito ang akomodasyon at transportasyon ng mga kalahok):
PHP1,500 – mga magbabasa ng papel-pananaliksik
PHP2,000 – Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura
PHP2,000 – di-gradwadong mag-aaral
PHP2,400 – PWD/Senior Citizen
PHP2,500 – early bird rate
PHP3,000 – regular rate (local at foreigner)
Hindi tatanggap ng walk-in sa mismong araw ng Kumperensiya kayâ tiyaking makakapagbayad ng rehistrasyon sa sumusunod na petsa:
23 Agosto 2024 – Magbabasa ng papel-pananaliksik
16 Setyembre 2024 – Early bird
30 Setyembre 2024 – Mga kalahok
Maaaring magbayad sa pamamagitan ng bank transfer (online application/banking) o i-deposit sa bangko sa sumusunod na detalye:
Pangalan ng account: Komisyon sa Wikang Filipino
Account Number: 1512 103630
Bangko: Land Bank of the Philippines
Branch: Malacañang-Solano
Email: icle2024.ph@gmail.com
Kontak: +639 764820514
Talâ:
Tanging Land Bank at ibang bangko lamang ang tinatanggap sa pagta-transfer ng ganitong transaksiyon, hindi tinatanggap ang GCASH o PAYMAYA ng aming system.
Ilagay ang Pangalan ng dadalo/kalahok sa pagde-deposit.
Matapos mabayaran ang rehistrasyon, kunan ng retrato o screenshot ang inyong deposit slip, email, o bank transaction at sagutan ang Google Form na nasa ibaba:
Talâ: Para sa nangangailangan ng Liham Imbitasyon para sa pagdalo ay mangyaring sagutan ang link na https://bit.ly/Liham-Imbitasyon