Sulat ni Franchezka Santos
Likha ni Winona Zapanta
Sabi sa akin ni Inay, magaling daw ang Panginoon dahil alam Niya ang kaakibat ng Kanyang mga likha. Ang tao ay may bahid ng kasamaan at kabutihan. Ang klima, batid ang unos at liwanag. Wari’y maging panahon din ay may hatid na pagkalimot at pag-alala. Hindi lamang bunga ang alam Niya, kundi ang sinasagisag ng bawat isa.
Ang bilugang buwan na siyang nagtatakda na tapos na ang araw. Ang matinis na tilaok ng manok na nagsasabing darating na ang panibagong araw. Ang mga matingkad na kulay na siyang umaakma sa bawat bagay. Ang ulap sa tuwina’y nagdadala ng ambon, nagkukulay abo—malayong agwat sa kaputian nito tuwing maaliwalas ang panahon. Ang berdeng kulay ng halaman kapag inaalagaan nang matiwasay at ang pagkupas nito pagdating ng panahon.
Hindi lamang ito mga kulay. May sinisimbolo ang bawat isa. Ang pagdanak ng dugo, ang tampisaw sa liwanag, ang kumpas ng puno, ang agos ng tubig, at ang kadiliman ng langit. Ngunit hindi nalilimitahan sa isang bagay ang mga kulay; maaari itong sumapi sa isa upang gumawa ng panibago. Katulad na lamang ng pinaghalong dilaw, asul, at pula na nagiging kayumanggi. Kulay na akma sa ating mga balat.
Subalit… ang kulay na hindi ko maintindihan ay ang kulay ng ating pagkakakilanlan. Sabi ni Inay, magaling daw ang Panginoon; alam Niya ang kulay ng bawat isa. Ang kulay ng kababaihan ay kalimbahin at ang sa kalalakihan naman ay asul. Pero paano naman kung wala sa dalawa ang sinasambit ng puso ko?
“Bakit ka naka-color pink, pambabae ‘yan, ‘di ba?” wika ng kalaro ko.
“Bakit, bawal ba?” angal ko.
Dati pa man, mahilig na ako sa mga kulay na kapansin-pansin, katulad na lamang ng pink, lavender at yellow. Para sa akin, wala namang malisya ang bawat kulay; ang mahalaga ay may naisusuot. Atsaka, paborito ko talaga ito.
“Ay, Barbie, sabi ko na!” biglang asar ng ibang kalaro ko.
My brows furrowed in annoyance. Since when did the term “Barbie” become an insult used against gay people? Ano naman kung bakla? Hindi naman kapansanan ang pagiging bakla.
“Anong sabi mo? Anong taon na, pero ganyan pa rin ang utak niyo, mga sarado at makitid. Kaya hindi tayo umuunlad eh,” I replied with a smirk.
“Ang sakin lang, tol. Kung bakla ka, edi salot ka!”
Pumipintig ang tainga ko sa narinig at hindi ko na inalintana ang distansya. Nilapitan ko ito.
“Salot? Sino kaya? Sa katunayan niyan, wala naman talagang salot sa mundo kundi ang mga taong hindi marunong umintindi. Mga taong hindi kayang lawakan ang pag-iisip kahit na alam nilang nagbabago ang lahat!” mariing wika ko.
I saw their taunting smiles. Their brows raised.
“Ush, magpapauso ka pa.”
“Malala ka na!”
“Hoy, magpa-albularyo ka nga! Rafaelito ka, hindi Rafaelita!”
I never resorted to violence. Sabi ni Inay, masama ang gumamit ng dahas. Hindi lahat ng bagay ay maireresolba sa paraang ito. Kaya kahit gustong-gusto kong dumapo ang kamao ko, hindi ko ginawa.
I clenched my fist. “Shut your homophobic mouths and cry to your parents who clearly didn’t educate you well. Masyado kayong sheltered, masyadong ignorante. Kahit ulit-ulitin sa inyo na walang mali sa pagiging bakla, hindi niyo ‘yon makukuha kasi mga mangmang kayo! Being gay isn’t a trend or an illness, hindi ito ginagamot katulad ng assumptions niyo. Kung may kailangan man magpa-albularyo rito, kayo ‘yon! Sana ay matawas na kayo dahil nasa 21st century na tayo. Ang lala niyo pa ring mag-discriminate.”
As if they didn’t taunt me enough, they replied with a mocking laugh.
“I ain’t hearing allat,” wika ng isa, sabay tawa nang malakas.
“I ain’t, I ain’t, ang sabihin mo—hindi kayang i-process ng utak mo lahat ng sinabi ko. ‘Cause you, guys, only knew derogatory language and not really humane ones. Kung ang basehan niyo lang naman ang pagsusuot ng kulay pink ang kabaklaan, then I’ll wear it proudly,” I said with a smirk.
I left without looking back at them. I had already wasted enough breath trying to educate them. All they did was taunt and mock. I’d rather not dare to speak when all they did was cover their ears and close their eyes.
Ano naman kung naka-pink ako? Ano naman kung bakla ako? Ano naman kung nakikisali pa rin ako sa paglalaro sa kanila kahit iba ang preferred gender ko? It doesn’t make me less human than them. At the end of the day, we all carry something that isn’t visible to others. And to them, being gay was already enough reason to see me as different.
If they cloud their minds with the judgment that I do not belong in the same room as them simply because I am gay, then they are not worth my time. Mas pipiliin kong ipakita kung sino talaga ako. I’d wear it loud and proud—enough to drown out their degrading remarks. The world is already full of noise from sexist people, and those who are homophobic only make it louder.
I glanced at my wristwatch to see the time. Just enough for my awaited speech.
“Have you ever questioned yourself, ‘Bakit parang naiiba ako?’ Bata pa lamang ako, alam ko na kung anong gusto ko. Mahilig ako sa kulay pink, lavender, at yellow. Hindi typical na kulay panlalaki. Sa katunayan nga, lagi akong naaasar at nakukutya dahil sa hilig ko. Subalit, hindi ko ‘yon iniinda—lagi akong lumalaban, nagsasabi, at naninindigan na walang problema ang pagsuot ng mga kulay na maliwanag at ang pagkahilig sa mga larong ‘hindi akma’ sa sekswalidad ko. Dahil wala naman talagang problema, ang problema ay nagmula sa kaisipan nila. Ang kaisipan na nagkukulong, na ang asul ay para lamang sa kalalakihan at ang kalimbahin ay para sa kababaihan. Malaya ang mga kulay; wala itong tiyak na nagmamay-ari. Ano naman kung bakla ako at mahilig ako sa pink, lavender, at yellow?“ I was cut off by a voice from the crowd.
“Oo nga! Aminado akong babae ako pero mahilig talaga ako sa pula’t asul,” sigaw ng isa sa mga nakaupo sa harapan.
Mahina akong napahagikhik. “Diba? Mapa-babae man, lalaki, bakla, tomboy, o iba pang patuloy pang tinutuklas ang kanilang kasarian, walang mali sa kung anong tinitibok ng puso mo. Ang mga kulay, malaya at walang kinikilalang hangganan, nandiyan ‘yan para malaman mo kung ano ang akma sa‘yo. Kung ano talaga ang tunay na tinitibok ng damdamin mo, pagka’t katulad ng katauhan mo—mayroon ding sinisimbolo ang bawat kulay. So wear your colors proudly and loudly. You are entitled to your own choice. The voices of those who despise you would be drowned out if you acknowledged, loved, and respected what you truly desire. I am Rafaelito “Rafaela” De Guzman, and I am proud to be part of the LGBTQ+ Community. I hope you all find the courage to accept who you truly are.” I said with finality.
I flashed my smile one more time and glanced at the clock behind me.
I looked back on the times I was mocked, ridiculed, and teased just because I am gay. Nasaktan ako, oo. Naguluhan, madalas. Pero patuloy kong pipiliin kung sino talaga ako. Siguro nga’t wala talagang tiyak na kulay ang bawat isa. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Hindi ito nakatakda para sa bawat isa dahil sa kung ano lamang ang sinasabing nababagay; sa halip, nagiging ganoon ito dahil iyon ang nararamdaman mo. Dahil kasabay ng paglipas ng panahon, natutuhan ko ring tanggapin ang sarili ko.
Katulad din ng ating kasarian, hindi mo ito pinili dahil maganda itong pakinggan—ito ay iyong niyakap dahil iyon ang nararamdaman mo. Walang payak na dahilan kung bakit ganito ka. Ganyan ka, ayon sa patuloy na tinitibok ng iyong puso.