Inihain sa Senado ang Senate Bill No. 2387 na naglalayong pahabain sa limang (5) taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) noong Huwebes, ika-6 ng Agosto.
Layunin ng panukalang batas na patatagin at mapanatili ang kaayusan at kalidad ng pampublikong serbisyo sa antas ng barangay. Layon rin nito na magbigay ng sapat na panahon upang maipatupad ang mga programa sa komunidad at mabawasan ang papalit-palit na panahon ng eleksyon.
Kung maisasabatas, maaantala ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election mula Nobyembre 2026, ito ay maaaring abutin sa unang lunes ng Nobyembre 2028. Papahabain din nito ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK ng dalawang (2) taon sa ilalim ng pansamantalang probisyon ng panukalang...