Ang pagmulat ng kaisipan
Ang siyang matatawag mong tunay na kalayaan
Kamalayang ikinulong ng mga dayuhan
Paraan ng kanilang pananakop mula sa nakaraan
Hindi na natin mababago ang nakasulat sa kasaysayan
Ngunit may paraan upang hindi na muling maulit ang nagdaan
Ang isip ay buksan, gumising at mamulat sa katotohanan.
At lumaban gamit ang katalinuhan
Kamalayang itinanim ng mga dayuhan
Ay dapat nang palitan batay sa ating pangangailangan
Upang ang ating pagkakakilanlan ay hindi tuluyang malimutan
Kumusta, aking sinta?
Pagdating mo’y sumaya
Buhay kong walang kwenta
Binigyan mong pag-asa
Sa gitna ng trahedya
Ay natagpuan kita
Sa oras na mag-isa
Ayaw nang mawala ka
Ikaw lang ang pag-asa
Sa pagbaha ng luha
Natatanging ligaya
Sa dami ng problema
Ang s'yang magpapalaya
Sa pusong nakahawla
Ang kamay na hihila
Patungo sa pag-asa
sinisigaw ang mga hinaing
ngunit sila'y nahihimbing
tila isang tulog na sanggol na hindi nakakaunawa
pinagkakait ang kaunting ginhawa
sa paglipas ng panahon
tumanda, ngunit walang pinagkatandaan
mga dugong dumanak
tila naging pawis na madaling mawala kapag pinunasan
hustisya at ginhawa
kailan kaya?
Hey, I think you are suffering from amnesia.
You tell them that you didn't do anything at all but I know ya~
Because you kissed me using your lying lips,
And I think I should ask you for some tips.
I still remember our first meeting
I am beside you and sitting
You played with my hair while you sing
Until we started talking
I'm usually a dry texter
But you did everything so you could know me better
I did not expect that your random call
Would make me fall for you at all
As we got closer day by day
You became comfortable to me, everybody can tell
To the point that they think we are each other's 'bae'
Since you take care of me well
I saw the look in your eyes and it's enchanting
While I cried as I confess my feelings
You hugged me so I will stop crying
You comfort me and we start cuddling
I thought that I was special
But when she came, it all started to become an artificial
I thought you only care for me but I saw how you treat her
The way you look at her I saw your eyes glimmer
You're a great liar
You said you want to be a friar
But how could you be one
When your conscience is already gone
How could you reciprocate my love using a heart break?
Are you a freak?
You gave me false hope
But how do I help myself cope?
Sa gitna ng mga matang puno ng inggit
At sa iyong mga matang nakakaakit
Nagitla sa iyong presensya at isinambit
Punong-puno ng mga "bakit?"
Ang tanging hiling mo'y paglaya
Ngunit ang ibinigay ng tadhana ay pagluha
Lumayas pero hindi lumaya
Pagtitiis kapalit ng pag-asa
It is like a magic phrases
Whenever he showers me praises
'Coz he know what I wanna hear
And to him, I am always his dear
With him, I feel so comfortable
I didn't need to pretend that I'm kind and humble
Maybe because he spoiled me with his love
Something that everyone can't have
He said he saw me somewhere
And that triggered his attachment
'Coz my pictures are everywhere
I easily got what he meant
When he approach me, I didn't know what was his intention
Now, I wish I didn't give him attention
But because I am filled with curiosity
I think that's what killed me
I'm starting to miss your I love you's
And those sweet endearment you always use
The moments that's sometimes out of the blue
And leaving me speechless with no clue
Oh my Gabriel
Why did you leave me alone in this hell
You promised to stay, I remember it well
But what's with the sudden farewell
Isa, dalawa, tatlo
Magsitago na kayo
H'wag sa harapan ko
Kundi sa hindi makikita ng mga mata ko
Magsitago na kayo
H'wag sa harapan ko
Dahil masakit makita na masaya kayo
Na parang dati lang ay tayo
Isa, dalawa, tatlo
Magsitago na kayo
Dahil ayaw ko na makita niyo
Ang malungkot at miserable na ako
Magsitago na kayo
At itatago na lang din ito
Dahil wala ng pag-asa ang tayo
At hindi na magiging ikaw at ako
Ang laro na dating nagbigay ng aliw at saya sa akin
Ngayon ay nagpapalungkot at nagpapaluha na rin
Kung noon, tinatago ang sarili sa sulok ng hardin
Ngayon ay itinatago ang nadaramang hindi na dapat alamin
Isang salita, apat na letra
Isa sa mga taong tutulong para maabot mo ang pangarap mo.
Ang taong gumagabay sa iyo na parang magulang mo
Minsan mo nang binastos ito
Ngunit siya ay nagtiyatiyaga sa kagaspangan ng ugali mo
Dahil nais niya lang na turuan kayo upang matuto
Matuto ng mga aral para sa kinabukasan mo
Kahit na napapagalitan ka ng iyong guro
Lagi mong tatandaan na iyon ay para sa kapakanan mo
Sana ay huwag sumama ang loob mo
Dahil ginagawa niya lang ang kaniyang trabaho
Nagagalit siya sayo
Hindi para ipahiya ka sa harap ng mga kaklase mo
Kundi para ipaalam sayo kung ano ang mali mo
Nang ito ay maitama at nang ika'y tumino
Kaya sana'y pagbutihin mo ang pag-aaral mo
Dahil hangad nila na makapagtapos tayo
Hindi sila naghahangad ng materyal na bagay mula sayo
Masaya na sila sa simpleng effort mo
Isang salita na binubuo ng apat na letra
Kasingkahulugan ng salitang OPPA sa Korea
Kuya na siyang tagapagprotekta.
Nagkakapikunan man kung minsan
Ngunit nagkakasundo rin naman
Ako'y palaging pinoprotektahan
Sa mga taong palagi akong pinagkakaisahan
Minsan napakastrikto
Madalas daig pa ang tatay ko
Kung makapag-usisa sa kasintahan ko
Akala mo naman may kasintahan talaga ako
Ayaw na ayaw na umiiyak ako
Pumapanget daw kasi ako lalo
Pero ang totoo?
Nag-aalala lang sa nararamdaman ko.
Kuya, maraming salamat sa'yo
Isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya ako
Sa dami ng kasalanan ko sa'yo,
Pinili mo pa ring patawarin ako.
Kamusta aking sinisinta?
Mabuti ba ang iyong lagay sa kaniya?
Hindi ka ba niya binabalewala?
Kung kaya't hindi na kailangan ang aking presensya.
Minsan umaastang wala siyang pake
Pero sabi mo, 'di bale,
Mahal ko naman eh'
Kaya naman sinabi kong 'ok sige'
Hindi ka maistorbo kahit sandali
Kapag siya'y may problema ika'y hindi mapakali
Kahit hilingin kong ika'y manatili
Ako'y naisasantabi
Bakit ba kasi hindi nalang ako?
Minamahal naman kita ng todo-todo
Bakit hindi mo mabigyang pansin ito?
Mahirap bang mahalin ang isang tulad ko?
Kaibigang Lumisan
kung sino pa ang aking inaasahan
na mananatili sa aking tabi nang matagalan.
siya pa itong unang nang-iwan.
luha'y hindi mapigilan
at tuloy-tuloy ang pagbagsak mula sa aking kinatatayuan.
kaibigan sabihin mo kung ano ang aking kasalanan
-anong dahilan ng iyong paglisan?
bakit ako'y iniwan?
lumisan sa panahong ng kalungkutan
pagod na ang aking mga matang hindi matahan.
kaibigan, hanggang kailan?
hanggang kailan mo ako iiwasan?
gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ikaw ay
lumisan
ako ba'y may nagawang kasalanan?
kung meron ma'y humihingi ako ng kapatawaran
at ito'y ating pag-usapan
para tayo ay magkaintindihan
namimiss ko ang iyong kakulitan
pati na rin ang iyong kalokohan
kailan ba tayo magpapansinan?
kapag ikaw ay nilalapitan
agaran kung ika'y lumisan
nais mo bang wakasan?
ang ating pagkakaibigan
sabihin mo kaibigan?
pagkakaibigang nabuo nang hindi inaasahan
wala pa tayong masyadong nasimulan
nais mo nang wakasan
anong klase kang kaibigan?
kaibigan huwag naman sana
dahil ito'y hindi ko kaya
malulungkot ako nang sobra
kasama ang masasayang alaala nating dalawa
Mahal, ang bawat araw ay nakakapanibago.
Walang ikaw na kinakumusta ako.
Ikaw na bumubuo sa araw ko.
Isang ikaw na naging parte na ng buhay ko.
Bakit naman naging ganito?
Akala ko ba walang magbabago sa pagitan ng ikaw at ako?
Ngunit bakit ganto?
Malamig pa sa yelo ang pakikitungo mo.
Alam kong walang salitang "tayo"
Kaya kahit anong oras na gustuhin mo ay kaya mong
kumalas sa pagkakayap ko sayo.
Bakit kung kelan handa na akong umamin sayo saka ka
naman naging ganto.
Oo, may aaminin ako.
Matagal ko ng gustong sabihin to kaso kinakabahan lang ako.
Lalo na sa magiging reaksyon mo.
Sinabi mong wag akong magbabago.
Sabi ko, Oo Hindi ako magbabago para sayo.
Pero dapat pala'y binalik ko sayo ang sinabi mo na. "wag
kang magbabago para naman alam ko kung
may patutunguhan ba tayo.
Sana nung una pala nilinaw mo na kung anong meron tayo.
kung ano ba talaga ako sayo.
Kung may iba ka bang gusto
para hindi ako nagmukang gago sa harap mo
Hinayaan mo lumala ang nararamdaman ko.
Hinayaan mo akong kumapit sa kamay mo.
Hinayaan mo akong mahulog sayo.
Hinayaan mo ako.
na tila wala kang pake
sa nararamdaman ko.
Paasa ka
Pinaasa mo ako sa walang kasiguraduhan.
Sumugal ako kase akala ko lagi kang nandyan.
Mali pala ako.
Maling mali ako kase minahal ko ang gaya mo!
Paalam, hanggang dito nalang tayo.
Ay mali, HANGGANG DITO LANG. WALANG TAYO.
I'm not a fan of bitter taste
I would refuse whenever someone offers me a cup of coffee
I may be picky as it looks
But the taste of liquors makes me wanna puke
And I always wonder why people like
Something that taste the same as life
It's not that I hate it
I just can't find a reason to like it
I've been fed a lot bitterness all my life
Should I add by consuming something that's bitter too?
Coffee? Liquors? It couldn't be sweet right?
Well, that's what I thought before meeting you
I never thought that the day I will crave a coffee will come
Whenever I think of you, I order your favorite coffee
I can't handle liquor but
There will be a night where I'll crave a liquor with the thoughts of missing you
You're the sweetener in the midst of bitterness
And you know it's not about the taste
You and I
Sitting under the tree
K-I-S-S-I-N-G
-- Just kidding
You and I
You and I did crazy things
You and I shared laughter and pain
You and I comforted each other
You and I shared secrets
You and I encouraged each other
You and I were partners in crime
You and I are like siblings
But that was years ago,
Everything has changed in just a snap
One day, I woke up and I went to your house
But the doors are locked
I've waited for you
But then I knew,
You left without even saying goodbye
What happened to you and to me?
From the day you left me
I kept asking myself, "What did I do so wrong?"
I never knew why 'you and me' end up like this
Suddenly, I saw you without me with your new bunch of friends
You looked so happy with them
Meanwhile, I felt that my heart aches
It feels like it is going to break into pieces
Then our eyes met but you didn't bother to talk
You just walked away with your new friends -- acting like you did not see me
I looked at you; then I realized
That you are happy even without me
That is how you and I end
There was not you and me anymore
pa'no magsulat ng tulang may sukat at tugma?
tula na kapag binasa'y nakakahalina
pupukawin ang puso ng mga mambabasa
lalaganap ang pagmamahal sa bawat isa
tulang mauunawaan ang mga pahayag
upang masukat ang damdamin ng bawat isa
para matukoy kung gaano tayo magkatugma
kung paano natin nasusukat ang pagiging tugma
if i could have
a wish come true
i would wish for you
your life is so precious to me
may problems only make you
much stronger
and may you
success in your path
and that smile
that i love to see
always in your eyes
kung sakaling umamin
ako kaya'y iyong iibigin?
nag-uumapaw na damdamin
at kahit pigilin, mahirap pahintuin
para kang isang tala
ang 'yong ganda'y nakakahalina
nagliliwanag ang paligid kapag ika'y kasama
tala, napakahirap na makuha
pangalan mo ang tinitibok
kaya ang puso ko'y sayo iaalok
ngunit kahit anong subok
tila ako'y sinisinok
nilulunok ang mga salita
naduduwag sa maaaring maging resulta
kaya pipiliin na lang magparaya
'pagkat hindi ko kayang wala ka
umabot sa puntong bibili ng bibingka para sayo
sapagkat napagtantong ikaw ang tadhana ko
habang sabay nating hinaharap ang Maykapal
kasama ang iyong mga mahal
ngunit ihip ng hangin ay nag-iba
tila ba hindi mo na ako kilala
taon ang lumipas
ngunit hindi pa pala ako nakaalpas
mula sa hawla ng ating mga alaala
nais kong kumawala
para akong kahoy na unti-unting natutupok
sa init na dala ng iyong presensya
ngayo'y malabong makalimutan kita
dahil masyado mo akong napasaya
Matagal ko nang alam
Na wala kang pakialam
Pero nasasaktan ako nang hindi mo alam
Hindi mo alam, dahil nga wala kang pakialam
Hindi naman kita gusto
Ngunit bakit nasasaktan nang ganito
Sabihin mo, anong kasalanan ko sayo?
Bakit kailangan mo akong saktan nang ganito?
Sobrang nasasaktan ako
Alam kong alam mo na minsan na kitang ginusto
Ngunit kinalimutan ko ang nararamdaman ko sayo
Dahil alam kong hindi ako ang kailangan mo
Nagtatalo ang aking isip at puso
Dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko
Alam ko sa isip ko na hindi na kita gusto
Pero ayun din kaya ang sinasabi ng puso ko?
Hindi dapat ako nasasaktan
Dahil para sayo ito'y isang asaran
Ngunit isang masakit na asaran
Sana alam mong ika'y may taong nasasaktan
Ang mukha mo'y may taglay na kakisigan
Kaya naman hindi nakakasawang titigan
At sa t'wing ako'y iyong nginingitian
Hindi ko maiwasang ikaw ay pagmasdan
Ang iyong buhok at kilay na nasa magandang ayos
Ang iyong mga mapupungay na mata
Ang pisngi mong katamtaman lang ang taba
At ilong na medyo matangos
Ikaw ay may nakakaakit na katangkaran
Katawan mo rin ay may kalakasan
Malambot ang baywang nang aking hawakan
Parang kay sarap yakapin at hagkan
Taglay mo ang mapupulang labi at ngiting napakaganda
At sa t'wing ikaw ay kumakanta
Ako'y napapatulala na lang bigla
Kay sarap din sa pandinig ang iyong tawa
Nasa ugali mo ang ayaw magpatalo
Lalo na sa isang argumento
Na siyang dating kinakainisan ko
Ngunit ngayon ay gustong-gusto ko
Ang balahibo ay naninindig
Sa iyong tikas at tindig
Minsan pa'y sa bandang puwesto ko nakahilig
At ako'y talaga namang kinikilig
Hindi ko malimutan noong nanood tayo sa sinehan
Dahil magkatabi ang ating inupuan
Palihim kitang pinagmamasdan
At salamat dahil hindi mo namamalayan
Sobra-sobrang kaba ang nadarama
Sa t'wing ikaw ay nakakasama
Halos hindi na huminga
Para lang hindi mo ako mahalata
Bawat araw ay sinusulit
Sinusulit ko na
Dahil baka hindi na maulit
Dahil alam kong hindi na tayo magkikita
Ang iyong pabango ay nagmarka
Ay hindi lang pala pabango, lahat pala
Lahat ng tungkol sayo ay nag-iwan ng marka
Dahil ito ay mga alaala na dadalhin ko saan man ako magpunta
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko
Sumaya ako nang husto sa pagdating mo
At lahat ng ito ay mananatiling lihim ko
Dahil ayokong malaman mo ang nararamdaman ko
She is the strong person I know
Although she is suffering from something
You'll never see it, because she'll greet you with a smile.
"Nobody loves me" she always thought
Overthinking is killing her happiness but it's hard for her to stop it.
Talking about her problem is not a habit
"Okay" is the look she always wear
Distracting herself is the only way for her to avoid such thoughts
Restraining herself from doing things that can trigger her anxious state
Uncertainties really sucks and the only thing she can do is
Give her all to survive each day
Saan ba ako magsisimula,
Sa pagbati ba muna?
Hindi ba p'wedeng deretsohin ko na?
Mahal kita, walang halong pambobola!
Oo, mahal kita!
Hindi ka ba naniniwala?
Nakalimutan ko, pasensya.
Mahirap ka nga palang mapaniwala.
Nasanay ka na kasi sa mga biro ko -
Sa mga biro ko na para sa akin totoo.
Bakit hindi mo man lang binigyang pansin ito?
Ayan tuloy, nahihirapan ako!
Bakit ba kasi ang manhid mo,
Hindi maramdaman na matagal ka nang gusto.
Ano pa bang gusto mong gawin ko?
Magmakaawa na mahalin mo?
Kasi mahal gagawin ko…
Kahit magmukha akong mababa sa paningin ng ibang tao,
Ang mahalaga ay mapansin mo…
Ang nararamdamang matagal itinago sa'yo.
May pag-asa kaya ako?
Palaging tanong sa sarili ko
Kay tagal nang umaasang mapansin mo,
Ang pagtingin ko sa iyo.
"Mahal ko na siya."
Mga binanggit mong kataga
Nagulat at hindi nakapagsalita
Naisip na ang suwerte naman niya
Pinilit na ngumiti at pilit na pinigilan ang luha
Ipinakita ang suporta
Sana maging masaya ka sa kanya
At tumalikod upang punasan ang hindi napigilang luha
Ang aking pag-asa,
Bigla na lang naging ASA.
"Asa ka pa"
Hindi ka na niya mapapansin pa.
Ako'y iyong iniwasan,
Para maiwasan ang inyong -
Matinding selosan.
Para sa katahimikan
At lumipas ang ilang buwan
Ako'y iyong binalikan
Sinabi mong ikaw ay kaniyang sinukuan
At ikaw ay labis na nasasaktan
Ika'y aking nilapitan
At inihiga sa aking kanlungan
Habang ikaw ay umiiyak dahil 'di mo makayanan
Ang labis na sakit nung ikaw ay kaniyang iwan
Sa aking mga bisig,
Bumalik ang iyong kisig.
At sabi mo, "hindi na muling iibig"
Natuwa ako at nakaramdam ng kilig
Dahil sa akin, bumalik ang iyong sigla
At ang iyong saya na kay tagal na hindi nakita
Masaya ako at nakalimutan mo siya
Ngunit isang araw naglaho ang saya
Nagbalik siya upang bawiin ka.
At dahil ginugusto mo pa,
Bumalik ka sa kaniya.
Kita sa iyong mga mata…
– Ang labis na saya
Saya na hindi ko nakita,
Noong ako ang iyong kasama.
Napagtanto kong mas matimbang talaga siya.
Ano bang laban ko?
Eh kaibigan lang naman ako
– Na mayroong pagtingin sa'yo
Habang siya ang minamahal mo