Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ay samahan ng mga guro sa pribado at pampublikong paaralan at pamantasan, na nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa pelikulang Pilipino at ginagamit ito bilang materyal panturo sa magkakaibang disiplina. Kinikilala ang mga likha ng mga manunulat, direktor, artista, at iba pang mga miyembro ng akademya na patuloy nagbibigay ng kontribusyon sa pagpapaunlad ng Philippine Cinema sa pamamagitan ng taunang GAWAD PASADO. Kaakibat ng pagtataguyod sa kahusayan sa panonood, pag-aaral, at pagsusuri ng pinilakang tabing, ang taunang kumperensiyang nagsisilbing lunsaran ng pag-aaral at/o pananaliksik na may kaugnayan sa pelikula at mass media.
(PASADO is a film organization of educators from private and public schools from elementary to college level in the Philippines, that reviews and appreciates films as documents and materials for teaching different disciplines. It also recognizes the works of the film makers, artists, and notable members of the academe who contributed in the promotion of Philippine Cinema and innovations in teaching through its annual GAWAD PASADO PARA SA PELIKULA.)
Misyon at Bisyon ng PASADO
Maimulat ang kaisipan ng mga tagatangkilik ng Pelikulang Pilipino sa kahalagahan nito sa ating buhay, lipunan, kabuhayan, at edukasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga makabuluhang obra sa ating bansa. Maipalaganap ang sining ng Pelikula sa ating wika, kultura, agham, panitikan, at nasyonalismo sa mga Araling Pilipino na sumasalamin sa mga tunay na pangyayari sa ating lipunan. Gayundin, mabigyan ng pagtatangi ang mga likhang Pelikula ng mga direktor, artista, manunulat, at iba pang mga manggagawa na kabalikat upang mabuo ang pelikulang nagpapakilala sa ating identidad bilang bansa. Inaasahan na ang PASADO ang magiging moog ng kahusayan sa pag-aaral at pagbibigay ng parangal sa Pelikula sa bansa.
Layunin ng PASADO
Pangkalahatang Layunin
Maiangat ang antas ng kamalayan ng panonood, pagpapahalaga, at pag-aaral ng Pelikulang Pilipino.
Mga Tiyak na Layunin
Makapagbigay ng gawad ng pagkilala sa mga PinakaPASADOng Pelikulang Pilipino na nagbigay ng katangi-tanging uri ng kamulatang pansining, pangwika, pangkultura, pang-agham, at panlipunan
Makapagmungkahi sa mga guro ng mga makabuluhang Pelikula bilang materyal na panturo at ang pamamahagi ng inobasyon sa pagtuturo at online modalities
Maipalaganap ang sining, wika, panitikan, kultura, agham, at nasyonalismong Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa panonood ng pelikulang Pilipino
Makapagsagawa ng mga palihan at kumperensiya para sa mga guro at mga mag-aaral tungo sa pagpapahusay sa pananaliksik
Mapahusay ang sensibilidad sa mga isyung panlipunan tungo sa kamalayang bayan at pagiging mas responsableng mamamayan
Dr. Emmanuel S. Gonzales
Far Eastern University - Manila
Tagapangulo
Dr. Maria Elma B. Cordero
The National Teachers College
Kalihim
Mga Kasapi
University of Santo Tomas - Manila
Dr. Ernesto V. Carandang II
De La Salle University - Manila
Dr. Romeo S. Egot
Division of City School - Caloocan City
G. Percival S. Salise
Arellano University & Jose Rizal University
Gng. Clara G. San Pedro
La Consolacion College - Caloocan
G. Nelson Ramirez
University of the East - Recto, Manila
Sen. Mary Grace Poe-Llamanzares
Tagapayo
Dr. Grace Precious Tabernero-Laraga
Philippine Science High School - CALABARZON
Pangulo
Christopher Bryan A. Concha
De La Salle University - Manila
Pangalawang Pangulo
Michael Bryan G. Rosilla
Mabalacat City College - Pampanga
Kalihim
Dr. Niña Christina L. Zamora
Philippine Normal University - Manila
Katuwang na Kalihim
San Sebastian College - Recoletos, Manila
Ingat-Yaman
Dr. Moreal Camba
University of Asia and the Pacific
Katuwang na Ingat-Yaman
Ricky A. Dela Cruz
Dr. Yanga's Colleges - Bulacan
Tagabando
Dr. Ernesto V. Carandang II
De La Salle University - Manila
Tagapangulo ng Pampelikulang Rebyu
Isang mag-aaral na may hawak na sulo. Ang sulo ay sumasagisag sa karunungan niyang taglay. Ang Lagablab ng apoy ng sulo ay may negatibo ng pelikula na simbolo ng kasiningan at kabuluhan ng pelikula.
Ito ay dinisenyo nina Bb. Cindy Beata at Bb. Manalaya Cabaltican, mga mag-aaral ng Fine Arts ng Far Eastern University.
Samantala, ginawa naman ni G. Arthur Valdez ang unang disenyo ng tropeo ng Gawad Sining-Sine na mas kilala ngayong Gawad PASADO.
Himno ng PASADO
Ang himno na may pamagat na Diwa ng PASADO ay bunga ng marubdob na pagnanais na maipakita ang mabuting adhikain ng samahan ng mga gurong may pagpapahalaga sa pelikula. Isinatitik ito nina Bb. Ester A. Abando-Wan at G. Allan Roy M. Ungriano, na siya ring naglapat ng musika.
DIWA NG PASADO
I
Tayo'y mga gurong marubdob ang hangarin
Nagkakaisa ang lahat ng damdamin
Iangat antas ng pelikula natin
Kulturang Pilipino'y nais pagyamanin.
II
Maimulat ang isipan ng lahat sa kasiningan
Kagandahan ng wika'y matutunghayan
Mula sa karimlan ay mababanaag
Liwanag na mula sa ilaw ng karunungan.
KORO:
Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro
May dakilang layunin ang bawat puso
Ihatid sa lahat ang ningning ng sulo
'Yan ang diwa't pusong PASADO
TULAY:
Handang ibigay ang oras at serbisyo naming
Gigisingin ang kamalayan ng likhang sining natin Diwang PASADO'y pag-iigtingin
Sama-sama't, tulung-tulong na palakasin
Kapit-bisig na isulong ang adhikain.
Tapat at totoo
Itanghal ngalan ng PASADO
MABUHAY ANG DIWANG PASADO!
PASADO Contact Information
Email address: 2021pasado@gmail.com / gawadpasado@gmail.com
Contact number: 09173530594
FB Page: https://www.facebook.com/Pasado-Pampelikulang-Samahan-ng-mga-Dalubguro-100220093378346
Twitter / X Page: @Gawad_PASADO
Securities and Exchange Commission #: A1999-03619