Para sa iyo, mas mainam bang manatili sa sariling o sundin ang tawag ng opurtunidad sa ibang bansa?
Sa panahong ito, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kilala bilang powerhouse sa pagpapadala ng mga mahuhusay nitong mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo. Simula pa noong taong 1960’s at hanggang ngayon, patuloy pa ring umiiral ang hamon ng Brain Drain sa Pilipinas. Ang Brain Drain ay ang malawakang pag-alis ng mga propesyunal at mahuhusay na manggagawa sa bansa na kada taon ay libo-libong mga tao ang nangingibang bansa upang magtrabaho. Gaya sa datos na inilabas ng Philippines Statistics Authority (PSA) noong taong 2022, mahigit 1.2 milyong OFW’s ang naipadala sa iba’t ibang lugar sa mundo. Higit pa man, ang bilang ay patuloy na tumaas noong 2023 na humigit 2.16 milyong mga manggagawa na siyang ebidensya sa malalang hamon ng Brain Drain sa bansa. Itong malawakang migrasyon na ito ay mas pinipili at pinapaboran ng nakararami sa kadahilanang mas mataas ang pasahod, at mas maayos na kondisyon sa trabaho sa ibang bansa kumpara dito. Subalit, ito ay nagsisilbing double-edged sword sa mga Pilipino dahil kung mananatiling tataas ang bilang ng mga manggagawang aalis ng bansa, magkakaroon ng mas malalang problema sa ekonomiya ng Pilipinas. Para sa iyo, mas mainam bang manatili at magtiyaga sa sariling bansa o sundin ang tawag ng opurtunidad sa ibang bansa? Yan ang madalas na tanong na ating naririnig at siya ring ating pinag-iisipang mabuti. Sa aking pananaw, kung patuloy na hindi maaksyunan ang mga ugat ng Brain Drain sa Pilipinas, mas mainam na sa ibang bansa nalang magtrabaho upang masiguro ang maayos na kinabukasan at magandang buhay.
Nilalaman
The Philippines Brain Drain Explained
Nakakalungkot man isipin na milyon-milyong mga propesyunal at mahuhusay na manggagawa ang umaalis ng bansa, ngunit hindi natin ito masisisi sapagkat ginagawa nila ito ng may dahilan. Isa sa dahilan sa pagtaas ng kaso ng Brain Drain ay ang mababang sahod ng mga manggagawa. Humigit 34.6% ang kaso ng pagbaba ng sahod ngayong 2024 kumpara noong nakaraang taon dito sa Pilipinas ayon sa inilahad ng Willis Towers Watson Corporate (2024). Ayon din sa mga balita, ang kinikita ng mga manggagawa dito ay doble o triple ang nakukuha sa ibang bansa kung kaya’t halos karamihan sa mga propesyunal at mahuhusay na manggagawa ay napipilitang umalis gaya na lamang ng mga guro, scientist, medical workers, at iba pa.
Dagdag pa rito ang hindi pantay na opurtunindad sa pag-unlad. Isa iyan sa mga hamon na ngayon ay isa sa mga dahilan sa pagtaas ng Brain Drain sa bansa. Ayon sa mga balita patungkol sa Brain Drain, ilang mga guro at mga propesyunal na manggagawa ay hirap na umunlad at umunsad sa posisyon dahil sa patuloy na kaso ng favoritism sa bansa.
Isa rin sa mga dahilan ay ang mas mataas na opurtunidad sa ibang bansa kumpara dito sa Pilipinas. Mas maganda ang pamumuhay roon at may mas maayos na komunidad pagdating sa trabaho. Ayon sa artikulong inilimbag ni Cacho-Laurejas, 52% sa mga kalahok ang mas gugustuhing umalis ng sariling bansa dahil mas maganda ang pamumuhay sa ibang bansa. Karagdagan pa rito, halos 43% naman ang mga nangibang bansa dahil sa mga job opportunities na inaalok sa kanila.
Postcript: "Brain Drain."
Kalidad ng edukasyon, apektado ng brain drain sa teaching profession-ACT-Teacher.
Sapagkat hindi naman masama na pumunta ng ibang bansa upang magtrabaho, ngunit mayroon pa rin itong malaking epekto sa bansang Pilipinas. Isa na nga diyan ang kakulangan ng mga propesyunal at mahuhusay na manggagawa sa bansa. Kung tutuusin, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na maraming mga mahuhusay na manggagawa ngunit dahil sa patuloy na pagtaas ng Brain Drain, ang mga kapwa Pilipino din ang nahihirapan sa epekto. Isang halimbawa nito ay ang paghina sa serbisyong pampubliko. Ang mga sektor sa bansa ay kulang sa mga empleyado dahil halos karamihan ay pinipiling magtrabaho na lamang sa ibang bansa gaya ng mga nurse, guro, at scientist. Dahil sa patuloy na pagtaas sa hamon ng Brain Drain sa Pilipinas, bumabagal ang pag-unlad ng bansa na siyang isa rin sa mga hamon na kinakaharap natin ngayon.
Problema sa 'brain drain', benepisyo ng frontliners nais tugunan ni Herbosa.
Sa kabila ng mga pagsisikap ng Pilipinas na mapanatili ang mga mahuhusay na manggagawa, patuloy na umuusbong ang hamon ng Brain Drain na nagiging pangunahing dahilan ng migrasyon ng mga propesyunal at skilled workers patungo sa ibang bansa. Ang mga Pilipino o manggagawa ay napipilitang umalis ng bansa dahil sa mababang sahod, hindi pantay na opurtunidad sa pag-unlad, at mas magandang opurtunidad sa trabaho sa ibang bansa, na nagiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng Overseas Filipino Workers o mas kilala bilang (OFWs). Dahil sa pagtaas ng Brain Drain, epekto gaya ng kakulangan sa propesyunal na manggagawa, paghina ng serbisyong pambubliko, at pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya ay siyang naging epekto nito sa bansa.
Kung patuloy pang tataas ang Brain Drain sa susunod na mga taon, may posibilidad na mas malaki ang magiging hamon na ating kakaharapin. Sa tingin ko, ang magiging solusyon na maaring magawa ay ang patuloy na paglahad ng mga opurtunidad sa mga propesyunal at mahuhusay na manggagawa upang mapanatili sa bansang Pilipinas. Dahil para sa akin, kung hindi ito masosolusyonan, mas gugustuhin ko nalang sa ibang bansa magtrabaho para makasiguro ng maayos na kinabukasan.
Golez, P. (2024). From brain drain to Brain gain: Marcos eyes training of more pinot healthcare, IT workers. https://politiko.com.ph/2024/02/09/from-brain-drain-to-brain-gain-marcos-eyes-training-of-more-pinoy-healthcare-it-workers/dail
HR Asia (2024). Highly Educated Overseas Filipino Workers: A double-edged sword for the Philippines. https://hr.asia/featured-news/highly-educated-overseas-filipino-workers-a-double-edged-sword-for-philippines/
Laurejas, K. (2024). Study: 80% of Pinoys want to work abroad. https://www.google.com/amp/s/www.sunstar.com.ph/amp/story/cebu/study-80-of-pinoys-want-to-work-abroad
One-third of organizations in the Philippines reported lower salary budget for 2024 cycle. (2024, September 9). WTW. https://www.wtwco.com/en-ph/news/2024/09/one-third-of-organizations-in-the-philippines-reported-lower-salary-budget-for-2024-cycle
Opiniano, J. M et al (2024). The Philippines' landmark labor export and development policy enters the next generation. https://www.migrationpolicy.org/article/philippines-migration-next-generation-ofws
Philippines Statistics Authority (PSA) (2023) https://foi.gov.ph/agencies/psa/deployed-domestic-workers-ofw-2018-2023/