KASUNDUAN NG MAGULANG AT PAARALAN SA MGA ALITUNTUNING PAMPAARALAN (School Rules)
Still Accepting enrollees/transferees for Second Semester SY2022-2023
KASUNDUAN NG MAGULANG AT PAARALAN SA MGA ALITUNTUNING PAMPAARALAN (School Rules)
ALITUNTUNIN SA PAARALAN:
1. ARAW AT ORAS NG PAGPASOK
Flag Ceremony 6:15 am- (Lunes)
Regular Session 6:30 am- 12:45 pm (Lunes hanggang Biyernes) - Grade 11
11:45 am – 6:00 pm (Lunes hanggang Biyernes) - Grade 12
2. PAGSUSUOT NG UNIPORME
Ang pagsusuot ng uniporme na katanggap tanggap ay naayon sa paaralan at ng mga magulang sa pagpasok sa paaralan kaya naman iminumungkahi na:
2.1 Unipormeng Panlalaki
Pantalong itim at polong puti na may itim na piping sa bulsa sa lalaki.
2.2 Unipormeng Pambabae
Paldang maroon, blusang puti na may necktie na maroon sa babae
Pagsusuot ng iskul I.D. na may lace ng PBNHS
2.3 P.E. UNIFORM
Isusuot lamang sa mga araw na itinakda ng guro sa P.E.
3. Gupit at Pag-aayos ng Sarili
PARA SA KALALAKIHAN
Ang gupit ng lalaki (2”x3”) ay yaong sila’y magmumukhang disenteng estudyante na nagpapakita ng pagiging maginoo (DECS Service Manual 2000).
PARA SA KABABAIHAN
Para naman sa mga babae ay yaong magmumukhang disenteng estudyante na nagpapakita ng pagiging binibini. Hindi pinapayagan ang paglalagay ng kolorete(make-up), pag-aahit ng kilay maging ang pagkukulay ng kuko.
Nararapat na walang hikaw o piercings ang mga lalaki at tig-isa lamang ang butas sa tainga ng mga babae. Iwasan ang paglalagay ng hikaw sa dila, ilong at kilay; ang paglalagay ng tattoo; at ang pagkukulay o paglalagay ng highlights sa buhok.
*Panatilihin ang proper hygiene.
4. REGULAR NA PAGPASOK SA KLASE
Inaasahan ang araw –araw na pagpasok sa klase ng mag-aaral upang maipasa ang kanilang mga asignatura at masiguro ang kanilang pang-akademikong pag-unlad.
Kung sakaling lumiban ang mag-aaral, nararapat na magpasa ng EXCUSE LETTER, sa isang malinis na papel, na may lagda ng magulang/tagapangalaga, na nagpapaliwanag ng dahilan ng pagliban upang mabigyan ng mga gawaing hindi nakuha nang sa gayon ay makagawa ang mag-aaral.
5. SEGURIDAD AT PAGKAKAKILANLAN
Nararapat na palaging suot ng mag-aaral ang kanilang ID, pagpasok at habang nasa loob ng paaralan, bilang pagkakakilanlan na sila ay opisyal na naka-enrol sa paaralan.
Kung sakaling nawala ang ID, kailangang ipagbigay alam ito kaagad sa gurong tagapayo. Gumawa ng sulat mula sa magulang/tagapangalaga/gurong tagapayo upang magsilbing GATE PASS (TEMPORARY ID) habang hindi pa nakapagpapagawa ng panibagong ID sa loob ng dalawang linggo.