Sa unang quiz makikita ang mga napag aralan mula sa naunang pangkat na nag ulat. Dito natalakay ang berbal at di-berbal na komunikasyon. Nabigyang diin ang pagkakaiba nito at ang kahalagahan nito sa pakikipag usap o pakikipag komunikasyon. Nakakuha ako ng 10 puntos o perfect score dahil lubos kong naunawaan ang talakayan at nagpamalas ng kahusayan ang mga nag ulat nito.
Isinagawa ang maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan kaya fresh pa sa aking isipan ang mga bagay na dapat matutunan. Sa pang araw-araw na buhay ay nagagamit ko ang mga natutunan ko sa loob ng paaralan. Sa simpleng pakikipag usap ay napahahalagahan ko ang mga bagay na natutunan ko at mas nalilinawan na napaka importante na matutunan ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng komunikasyon para sa lahat.
Sa pangalawang pagsusulit naman tinawag itong Mahabang Pagsusulit o Long quiz dahil lahat ng pangkat na nag ulat isinama sa pagsusulit na ito. Ang una at pangalawang pangkat at ang mga paksang kanilang inulat ay makikita sa pagsusulit na ito. Makikita ang dalawang uri ng komunikasyon, mga uri nito, elemento ng komunikasyon, konteksto ng komunikasyon at pati narin ang mga estratehiya upang matandaan ang impormasyon.
Dito ay nakakuha ako ng puntos na 28/30 dahil may mga part lang ako na naguluhan at medyo nalito sapagkat hindi ko nabasa ng maayos.
Pero sa pangkalahatan, masasabi ko na naging matalino ako sa pagsusulit na ito dahil alam ko sa sarili ko na naunawaan ko ang lahat, naaral ang dapat aralin at naging maayos ang kinahinatnan ng mahabang pagsusulit.