Sa pagsasanay na ito ay nasubok ang aking pagpapaliwanag sa kahalagahan ng mababang kapulungan at mataas na kapulungan sa pagbuo ng isang batas.
Sa sitwasyon na ibinigay, nakapaloob rito ang pagtatalo ng iyong mga kaibigan hinggil sa tamang proseso na dapat sundin sa pagbuo ng isang batas. Si Juris ay nagatwiran na ang Senado ang may pinal na desisyon sa panukalang batas at ang Mababang kapulungan ay walang magagawa hinggil dito. Sinabi naman ni Jodie na pareho itong tungkulin ng Mababa at Mataas na Kapulungan. Sinabi naman ni Jewel na ang paggawa ng batas ay ekslusibong desisyon ng Mababang kapulungan. Sinangguni ka nila hinggil sa usaping ito na napakahalaga para sa kanila. Sino ang higit na nasa katwiran? Anu-ano ang maipapayo no sa kanila?
Sa pagsasanay na ito tinalakay ko muna kung ano nga ba ang Mataas at Mababang kapulungan para mas maging malinaw. Inilahad ko ang mga tungkulin na kanilang ginagampanan sa specific na sangay ng pamahalaan. Parehong may malaking papel na ginagampanan ang Mataas at Mababang Kapulungan, lalo na sa pagbuo ng batas. Kaya ang higit na nasa katwiran ay si Jodie. May mga bagay na dapat pag usapan ang dalawang panig at dapat pagkasunduan sa paggawa ng isang batas.
Ang maipapayo ko sa kanila ay dapat nilang pag aralan ang ganitong bagay sapagkat napakahalaga nito sa ating buhay. Nais kong maging malinaw ang lahat bago nila ito ibahagi sa iba upang hindi magkaroon ng misinformation at miscommunication. Maging matalino sa pag bibigay ng ideya at tiyaking tama ang mga impormasyon na ibabahagi sa taong ating nakakausap at nakakapalitan ng impormasyon
Sa pagsasanay na ito nasubok din ang aking pag unawa sa mga natalakay patungkol sa berbal at di-berbal na komunikasyon. Sinasabi na sa sitwasyon na 'Pinaniniwalaan ng nakababata mong kapatid na ang katahimikan ay maituturing na walang kabuluhan at kailanman ay hindi makakapagdulot ng di-berbal na komunikasyon. Pinaniniwalaan din niya na ang inbox ng telepono na walang nakasulat na kahit ano ay hindi rin maituturing na komunikasyon. Ipaliwanag ang iyong pananaw hinggil sa kaniyang mga paniniwala'
Sa sitwasyong ito makikita na ang paniniwala ng nakababatang kapatid ay mali, sapagkat para sa akin ang katahimikan at walang laman na ibox ay maituturing na uri ng komunikasyon. Sapagkat ang katahimikan ay maaaring magbigay ng kahulugan na binibigyan ka ng espasyo para makapag isip, maaring ito ay magbigay ng interpretasyon na pagkadismaya, pagtitimpi at iba pa.
Ang napili kong isyu ay patungkol sa iba't-ibang bagyo na pumapsok at lumalabas sa bansa. Kasama nito ang isyu patungkol sa Flood Control Fund ng pamahalaan.
Napili ko ang mga paksang ito sapagkat napakalawak ng sakop nito. Halos lahat ng tao ay apektado sa mga bagyo na tumatama sa bansang Pilipinas.
Ako ay nakakuha ng 98 points sapagkat naging malikhain ako at siguro naging maayos ang pagpapaliwanag ko sa nagawa kong collage. Sa kabuuan, naging masaya ako sa paglikha nito at nagkaroon ng kalayaan na irepresenta ang isyu na dapat lahat tayo ay makialam at hindi dapat isawalang bahala.