click this photo for more!
One And A Half
Bibliophile, student, recaller, hopeless romantic, and a summer lover - ganito ilarawan ang buhay ni Lance sa Kungdari Street. Kahit siya'y isang average high school student ay siya rin ang tipo ng lalaki na mapagmahal sa pamilya at palabiro sa kanyang mga kaibigan: hanggang sa dumating si Amara Lilienne Sandoval, ang babaeng magpapatakbo sa ihip ng hangin ng binata... o ilusyon niya lang sa kanya iyon.
Nang makilala nila si Jasper Martija, dito masusubukan ang pagkakaibigan nilang dalawa na siyang magpapakumplikado sa kanyang buhay. Hindi niya lubusang aakalain na hindi lang para sa kaibigan ang kaya niyang labanan - maging ito ay sa pag-ibig, pamilya, at lalong lalo na --- sa kanilang sarili.
Ngunit hanggang saan ang kaya niyang gawin? Isusugal niya pa ang pag-ibig na matagal niyang kinikimkim para sa kanya, o mananatili na lang siya rito bilang one and a half?
The Sun Where The Ocean Lingers
Kung ilalarawan natin ang buhay ni Joey Clyde Espinosa, isang lalaking nakatira sa 25th Avenue, maiksi lang ang sasabihin natin: jobless. Oo, nakakaya niyang sumuporta, magliwaliw kasama ng kanyang mga kaibigan, at naranasang magkaroon ng sariling sexcapades... pero sapat na ba iyon para bumuti ang buhay niya o mauuwi lang ang lahat sa wala?
Si Sophia Natasha Topeña, iba ang kanyang approach. Kahit itakwil siya ng pamilya niya dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, sa huli, alam niya sa sarili niyang makakasurvive siya. At kung sabihin mang "apakagago ng mundo", pipiliin nilang lumaban.
Dahil sa huli, sumikat man o lumubog ang araw, magpapatuloy silang lumangoy sa hamon ng buhay. Ganyan naman siguro, hindi ba?