Usap-usapan
by archivesniayeng
by archivesniayeng
may narinig akong usapan sa paligid
sabi sa'kin, "balita ko may iba na siya"
hindi ko muna ito pinansin
dahil ang naisip ko, baka ito'y isang biruan
noong una'y inisip ko kung saang lupalop ng mundo
at kahit sa silid ay ito'y napag-uusapan
ngunit hindi ko maatim na magsawalang-kibo
at ako na mismo ang sumugod sa'king kuryosidad
nagtanong ako kung kailan, saan
at nang malaman kung totoo o hindi
pinagtagpi-tagpi ko ang mga nagdaan
subalit noong una, hindi ko na maiwasan na magdalawang-isip
hanggang sa lumipas ang isang biyernes
at ako'y gumagawa ng piyesa sa kwaderno
naulinigan ko ang chismis noong lunes
teka, pamilyar na naman ba sa'kin 'to?
maya-maya, kinausap ako ng kaibigan ko
at kinamusta kung kaya ko pa ba
pero hindi ko muna pinakita ang mumunting pagsamo
ng init sa mata at ang pusong pilit na huwag lumuha
sabi ko sa kanya, "kung ano man iyon, e di tatanggapin na lang"
ngunit may kinuwento siya na nagpatusok sa'king sistema
"masasaktan siya kapag ginawa mo iyan"
pero huli na pala...