Tayo'y Aahon
by archivesniayeng
by archivesniayeng
Sinubok man tayo ng panahon
Lahat tayo handang harapin ang hamon
Sama-sama, handang i-ahon
Maipakita natin ang ating pagbangon
Tayo'y parang bubong
Na tumatatag sa kabila ng pagtulong
Sa bawat unos na darating
Tayong mga Pilipino'y kailangang harapin
Pero huwag kang mag-alala
Kasama natin ang Bathala
Lalo na't tayo'y nasa iisang bayan
Magagawa natin iyon kung tayo'y magtutulungan
Mapalad tayo'y handang lumaban
Tatahakin ang lahat, kaya nating lagpasan
Dasal ang ating kailangan
Mairaos tayo sa ating pinagdaraanan