Sa Tuwing Ika'y Naaalala
by archivesniayeng
by archivesniayeng
Sa tuwing pinapakinggan ko ang ating awitin
Ang mga luha ko'y nagsimula nang pumatak
Habang ang mga alaala noong tayo pa
Ay sa isipang tumatak
Sa tuwing niyayakap mo ako
Parang lumambot ang aking puso
Kasi nang dahil sa'yo
Nawala ang lungkot sa loob-looban ko
Sa tuwing ika'y nalulungkot
Isang tawag mo lang, nariyan agad ako
Agad akong nakinig sa mga problema mo
At nang pinayuhan kita, gumaan agad ang loob mo
Sa tuwing kasama kita
Alam ko sa sarili ko na hindi ako nag-iisa
Dahil kapag nandito ka
Talaga nga namang hindi na ako makakawala pa
Ngunit, sa tuwing iiwan mo ako
Magmamakaawa ako't sasabihing ayoko
Pero noong kumalas ka na
Nagsimula nang pumatak ang aking mga luha
Sa tuwing babalikan ko iyon
Ipinagdarasal ko sa Diyos
Na sana, bumalik ka na
Pero talagang huli na ang lahat