Payong?
by archivesniayeng
by archivesniayeng
nakita kita
sa loob ng isang silong
wala nang masakyan
sa isipa'y humihingi ng tulong
naawa ako sa'yo
sapagkat laging tikom ang iyong bibig
lalapit sana ako
kaya lang... nakakahiya, paano ko ba gagawin?
pero kinagat ko ang aking pagkaduwag
tinabihan kita't sinabihang, "kamusta?"
pinili mong sabihin na, "okay lang"
pero nakikita ko sa iyong mga mata ang pagkabalisa
"payong?" iyan ang turan ko pagkatapos
dahilan na ika'y kailangan mo bago ka pumara
at habang ang ulan ay patuloy na naghihikahos
tayong dalawa'y nakakapit sa payo'y magkasama