Paboritong Kanta
by archivesniayeng
by archivesniayeng
Ikaw ang aking musika
Mula sa mga paborito kong kanta
Palagi ko itong pinapakinggan
Hanggang sa ito'y akin nang nakasanayan
Oo, ako sa iyo'y nasasanay palagi
Araw't gabi naririnig ko ang malamyos mong tinig
Na maging sa pagtulog
Ay tila ito'y isang sirang plaka na pinapaulit-ulit lagi sa utak ko
Nang lumaon ay unti-unti na kitang nagiging paborito
Pagbangon ko sa umaga, ikaw ay laging inaalala
Maski sa kung saan, dinadala at napapakinggan kita
Hanggang sa unti-unti, napapaawit na ako sa'yo
Pero, mukhang nabago mo ang iyong timpla
Na habang pinapakinggan ko ang iyong awitin
Ay hindi ko lubusang aakalain
Na sa isang iglap, binago mo ang nakasanayan kong himig
Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang musika
Mula sa paborito kong mga kanta
Na ngayon ay iyo mong kinakanta---
Kinakanta para sa iba.
Kinakanta para sa kanya.
At heto ako, inaalala ko ang kanta na iyo mong ginawa noong tayo pa.