To My Dearest
March 25, 2025
March 25, 2025
Written way back March 2024 while I was writing Hopeful Refrain. Dapat ilalagay ko sa stories section, but since this is one of my unsaid thoughts, I think it is best to share this one to all of you.
First of all, I don’t even know what to say. How am I going to start this letter? Oh, alam ko na.
Hapon na pala, ano? Tapos nasa climax pa lang ang isa ko pang sinusulat na istorya, pero sana maacomplish.
Seryosong usapan tayo. Matagal ko nang pinagplanuhan na sabihin sa’yo ‘to, kumbaga sa dinarami-rami kong sorry na natatanggap mo galing sa’kin, ito'y iba siya sa nakasanayan ko. Remember my confession to you before? Sabi ko noon, okay lang kung hindi mo ma-reciprocate ‘yung feelings mo sa’kin, ang mahalaga we can still remain as friends.
The truth is... yes, magkaibigan tayo. Pero nahuhulog pa rin ako sa’yo.
Masakit sa’kin iyon. Lalo pa’t alam ko sa sarili ko na may nagugustuhan ka nang iba. Tanda ko noong umabsent ka sa campus tapos hindi ako maka-move on dala noong nagdaang Intramurals. Ang sabi ng mga tropa mo sa’kin, “Balita ko may jowa na ‘yung crush mo, a.” Noong una, wala akong maramdaman na kahit anong pain na naibuga sa’kin ng panahon, kaso habang tumatagal at pakiramdam ko lumalabas na ang pait — especially noong pumasok ka sa classroom namin.
Nilingon ko ang likod ng ID mo, therefore, I felt insecure. Kung tutuusin nga, ngayon pa lang naiisip ko na siya: na what if ako siya?
What if ako ang magiging sandalan mo sa mga araw na pakiramdam mong kalaban ka ng mundo?
What if ako ang tutulong sa’yo: assignments man, PTs, o di naman kaya e pwede kitang maging cheerleader mo kapag naglalaro ka?
At higit sa lahat, what if kaya kong punan ang pagmamahal na maibibigay ko para sa’yo?
I’m trying to forget my feelings that have been lingered for some time, however, no matter how I tried, it always fall back into place: and that is when I laid my eyes on you. Wala akong pakialam kung may naintindihan man ako sa lessons kada subject, basta ang alam ko lang, masulyapan ko lamang ang kapogian mong dala, ayos na sa’kin iyon.
Sa totoo lang, hirap na hirap na akong isulat ang liham na ito. I can’t find the right words to say because up until this day, I still have attachments toward someone like you. Siguro, hindi mo naman aakalaing hahantong ako sa ganito, hindi ba? Isa pa, kasalanan ko rin naman kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa’yo, malala, naging backburner pa ako kung minsan!
See?
Ganito ako katanga (at kashunga) pagdating sa pagmamahal.
At ang shunga ko rin dahil madali akong bumigay pagdating sa’yo! Alam kong hindi mo maaalala iyon, pero noong Valentine’s Day, nagsabi tayo ng “I Love You” sa isa’t isa. Para sa’yo, biro lang iyon pero kapag sa’kin?
Malala ang magiging epekto nito!
Ayoko sanang sabihin sa’yo ‘to, pero mukhang napaghahalataan tayo ng mga kasamahan natin sa klase. Alam nga nila na may gusto ako sa’yo kaya hindi na sila magtataka kapag napapansin nila ako na kinikilig pagdating dito. Isa pa, hindi mo man alam, pero ikaw ang rason kung bakit ko sinusulat ang isang pang istoryang hango sa iilang mga naganap sa’king buhay. Sa totoo lang, kapag nakikinig ako ng music tapos AKB48 ang nasa playlist, ikaw ang maaalala ko kahit hindi mo man naintindihan 'yung lyrics.
That’s why I think about you.
But how about them?
By them, I mean our classmates. Ilang beses na akong nakikinig sa mga payo nila na kung pwede ay tuldukan ko na ang feelings ko sa’yo, kesyo red flag ka or — in my case — baka lumala pa ang feelings ko.
Malala pa nga, naging katulad na ako ni Nabi sa Nevertheless na K-drama! Pinatulan na nga’t lahat, rumurupok pa!
Di ga?
Bago matapos itong sinusulat ko, marami akong gustong iparating sa’yo. To start off, my feelings for you cannot be controlled and I don't know what else I could do. Yes, may mga solusyon ako, kaso isinawalang bahala ko na lang dahil sa lecheng pag-ibig na iyan. Kwento ko lang, noong bagong lipat pa lang ako, sabi ko sa sarili ko, kahit may bagong lalaki kang makikilala, isa lang ang masasabi ko: no attachments involved. Syempre, mayroon akong trauma sa past crush ko pero natuldukan ko iyon by means of cutting off.
Pero anong nangyari?
Hindi ko na alam.
Siguro, ito na ‘yung huling beses na masusulatan pa kita ng sulat. Sorry kung hanggang ngayon, may feelings ako sa’yo. Pero naisip ko rin na what if kalimutan ko na lang iyon? Instead, magsimula tayo sa pagiging magtropa.
Okay lang?
My best regards,
archivesniayeng