December 30, 2024
Nagsimula iyan noong niyaya kami ng tita ko na pumunta ng kapihan sa Mataasnakahoy para chumill muna at mag-picture picture on the side.
Gabi na noon ng December 27, tsaka nakaalis na kami ng bahay bago pa mag-10pm. Ayun, naglakad muna kami kahit malamig ang hangin kasama ng dalawa ko pang mga pinsan, nakapag-usap kami hanggang sa makarating kami sa labas ng village namin. Nag-aantay kaming apat ng masasakyang dyip, at nang makarating ay sumakay kami roon. Saktong timing at nang may kumalabit sa'kin --- at tadhana nga naman dahil nakatabi ko ang adviser ng journalism club na sinalihan ko. Bumati naman ako sa kanya, at hanggang ngayon hindi pa rin kumukupas ang ganda niya. Ika nga nila, nakatabi ko 'yung anghel na nakaupo sa'kin. Iyon nga lang, hindi ko sinabi sa pinsan kong mas bata sa'kin dahil hindi ko alam kung ano ang iaaproach ko para rito.
Nang magtapos ay nakababa na kaming apat sa isang kapihan na hindi ko alam kung magugustuhan ko dahil first time ko itong mapupuntahan. At noong nakapasok na kami, namangha ang mga mata ko sa nakita ko: ang lamig ng ambiance, may mga tables na nasa itaas ng upuan na pwede kapag mag-aaral ako, at sa taas nito ay mayroong mga apat na quotes sa itaas.
a photo I took from the coffee shop that we went on Friday, December 27
Tapos may mga board games, other seats na may kasamang mga unan... I was in awe at that time. After nito, nag-order kami ng hazelnut, vanilla, matcha, at chocolate na inumin para sa apat, pero sa tabi ko ay may nakita akong kakaiba sa Christmas Tree.
a cropped photo of DecoMyTree from wbto.cn
Alam niyo ba 'yung usong-uso na DecoMyTree na nakikita niyo sa Instagram? 'Yung maglalagay ka ng letter tapos ilalagay mo siya na parang Christmas decorations? Iyan ang nakita ko sa kapihang iyon. Ang pinagkaiba, mayroong mga kahoy na pabilog o pa-Christmas tree na shape na pwede mong isulat gamit 'yung mga colored markers na ginagawang pangkulay ng mga bata. Sa kagustuhan kong gawin ang ginagawa nila ay nag-request ako na kung pwede akong magsulat, at pumayag naman siya. After nito, naglagay ako ng pwede kong masulat, sabi ko:
photo by Kevin Winter for Getty Images
Syempre, madidscharge na 'yung mga other members next year, hindi ba? Tapos nito, nagsulat pa ako sa likod ng karugtong (non-verbatim):
As in, matagal ko nang pinapangarap na makita sila in person.
After nito, umupo muna kami at nag-chill, tapos habang naghihintay ay naggroufie kaming apat at nagpapicture on the side. Sakto, nakita ko 'yung chess na nasa itaas ng snakes and ladders, kaya ang ginawa ko is kung maglalaro ba ako nito o 'yung dama na lang since madali siya pero hindi ko pa siya nalalaro. Dumating na ang order pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na laruin nito hanggang sa mapalitan ko siya ng Snakes and Ladders.
Habang ang mga kasama ko'y nagseselpon at umiinom ng kape, lumiwanag ang mga mata ng dalawa kong pinsan (btw, mga babae sila) kaya ang ending: naglaro kaming tatlo to ease our boredomness. Ang ending: olats ako in third place, pero nag-enjoy kaming tatlo. Pero may nakita 'yung isa, sabi: "Ate Yen, may UNO! rito."
photo by Del from Unsplash
Kapag sinabi mong UNO! --- ang card game na talagang nakakaenjoy to the point na may magaganap na trayduran as the game went on --- talaga nga rin naman na walang kaibi-kaibigan o pami-pamilya sa larong ito. Sa una, kalmado lamang ang buhay habang umiinom ng inumin namin, pero paunti-unti ay nagkakaroon ng medyo "hindi pagkakaunawaan" kung sino ang masusunod, may nagaganap na plus two at plus four, tapos ang malala, may mga cards na straight up naka-face in front imbes na dapat ang nakaharap ay kulay black at red na card na may malaking "UNO" sa gitna. Sabi ko sa sarili ko, sinong loko-loko ang nagpakita ng cards na may kulay habang naglalaro?
At 'yung tita namin? Ayun, hindi siya sumali.
After our enjoyment days, lumabas kami para maglakad papuntang munisipyo ng Mataasnakahoy, and long story short, we had fun together as a family. Pagakarating, nagpicture-picture kami, habang ako nama'y nilibot ko ang mga pailaw sa labas, at rito ko siya kinunan ng litrato.
real photos that I took during the trip
I even have a video about it:
Matapos nito, umalis kami dahil sabi ng mga tanod, may curfew upon visiting the place. Nag-antay pa kami ng jeep, pero pinili naming mag-traysikel pauwi sa village namin. And that was the time that after we got home, I was able to do my website, and here we are now.
All my life, gusto kong maranasan ng magkaroon ng night walks, though danas ko na siya noong pagkabata ko kasama ng mga tropa ng kuya ko. Pero after nito, mula sa kapihang hindi ko pinangalanan dahil hindi rin ako nagpaalam sa mismong may-ari hanggang sa Munisipyo ng Mataasnakahoy, ito ang isa sa mga gabing hinding-hindi ko malilimutan.