musings of someone who wants to fall in love
March 25, 2025
March 25, 2025
Mag-iisang dekada na akong nagsusulat rito. Isang dekada na rin akong naggagawa ng mga bagay na either galing sa imagination ko, or sa pakikinig ko sa music. Nakikita ko nga ‘yung mga ilang phrases sa paligid ko alam kong pwede ko siyang gawan ng story, e.
Pero may isang bagay akong gustong iparating sa buhay ko: outside of Wattpad, I’m just a normal human being na kapag nakikinig ako ng mga love songs, may parte sa’kin na nagsasabing “gusto kong maranasang ma-in love.” Ako ‘yung tipo ng tao na kapag nakikita ko ‘yung isang bagay na ginagawa ng mga magjowa, may urge sa’kin na nagsasabi na gusto kong gawin ang bagay na iyon. Gusto kong maranasang mahalikan, mayakap, makakwentuhan itong lalaking gusto kong mahalin. Kahit pa may crush ako, alam kong siya na iyon. Why?
Consistent kasi ako pagdating sa isang tao. Kapag siya na, siya na. Hindi ko na papakawalan pa.
Minsan, naiimagine ko na lang ang sarili ko na kasama ko siya sa lahat ng bagay, maski sa pagsasayaw, kada magpeperform kami, tsaka, hindi ko rin namang mapipigilan ang utak ko na mag-imagine sa lahat ng mga scenarios naming dalawa. Photobooth dates, walking and strolling somewhere, sharing passionate kisses and warm touches… is there anything that I can imagine? Siguro kakanood ko ‘to ng romantic shows or movies tsaka pagbabasa ng mga stories kaya ko naisipang gawin iyon. On top of that, gusto ko ng ma-ala-friends to lovers ang trope na gusto ko. Sa sobrang close ko sa isang lalaki, hindi ko namamalayang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Naranasan ko na siya before, at lahat ng mga ito’y ligwak ang ending.
Pero kasi, while daydreaming is good, mapapasobra at mapapasobra siya kapag pinipilit mong isipin ang isang bagay na alam kong malabong mangyari in the future. Like the trope that I mentioned, gusto kong maging katulad nila: nahulog sa best friend saka naging sila (ehem, Arianne and Martin). Gusto kong mas lalong tumagal ‘yung friendship namin at tumagal nang next level, pero sa totoong buhay, 50/50 ang tsansang makaranas nang ganoon. Based on my experience, the first time I fell in love with a best friend, nawasak friendship namin at binlock ako roon. Akala ko nga hindi ko na ulit gagawin iyon, pero umulit lang nang umulit hanggang sa ngayon lang ako mapapagising sa katotohanan, pero mamaya ko na irereveal.
Tsaka kagabi, napaiyak na lamang ako (50% mourned about being friendzoned, 50% wanted to love someone). Naranasan kong mafriendzoned dahil sa isang taong nakilala ko online, yet hindi siya handang magmahal ulit gawang tragic ‘yung mga naranasan niya sa love before. Namention niya sa’kin iyon, pero dahil in love na agad ako sa kanya, hindi ko na lamang siya napansin. And thanks to him, ngayon lang ako magigising sa katotohanan: may mga lalaki akong makikilala na sadyang friendly sa’yo without having romantic relationship at all. Unless kung gusto niyo ang isa’t isa at gusto niyong lumevel-up ang relationship niyo.
Naisip ko: bakit kasi hindi sumasang-ayon sa’kin ang tadhana? Although nagkaroon ako ng boyfriend way back last year, one week lang ang itinagal namin doon. Masyado na akong nagmamadali sa pag-ibig, kaya sa huli, hindi ko sinulit ang waiting season ko.
Waiting season. Hindi ba dapat ito muna ‘yung inuna ko? Dapat pala inenjoy ko muna bago ako maghanap ng magmamahal para sa’kin. Pero nang dahil sa pagkahilig ko sa romance (ironically, I still do), I chose to become the hopeless romantic that I am.