Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring kakayahan at malalim na pag-unawa sa mga sanhi at epekto ng mga isyung pampolitika sa pagpapanatili ng katatagan ng pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapanukala ng mga paraang nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga isyung pampolitika na nararanasan sa pamayanan at sa bansa.
Katulad ng lipunang global, ang Pilipinas ay nahaharap din sa iba't ibang isyung pampolitika at pangkapayapaan. Kabilang sa mga isyung ito ang migrasyon, pagtatalong panteritoryo, dinastiyang politikal, korapsiyon, at lokal o panloob na terorismo. Mahalagang maunawaan mo na hindi lamang pamahalaan ang sangkot dito. Ikaw, bilang mamamayan, ay apektado rin ng mga nabanggit na isyu dahil kabilang ka sa mga inaasahang makatutugon sa mga suliraning ito. Dahil dito, mahalagang maisagawa mo ang isang makabuluhang pag-aaral para higit pang mapalawak ang iyong kamalayan at pag-unawa tungkol dito. Susi ito sa mas epektibong pakikiisa at pagkilos mo sa pagharap sa mga hamong kinahaharap ng ating bansa .
Sa yunit na ito, inaasahan ang iyong mapanuri at malikhaing pag-iisip, epektibong pagpapahayag, at kakayahang makipagtulungan o makipagkolaborasyon tungo sa makabuluhang pagkilos para sa mas mapayapang pamumuhay, hindi lamang sa bansa, kung hindi sa buong mundo.
<< Pindutin ang kahon upang makapagsimula sa aralin 7.