Tuon ng Talakayan
Binibigyang-diin sa aralin kung paano nakaaapekto ang migrasyon o pandarayuhan sa tao at lipunan. Kasamang pagtutuonan ng pansin ang mga salik na nagtutulak sa tao para mandayuhan.
Sakop din ng aralin ang usapin sa mga epekto ng migrasyon sa mga bansang nagpapadala at tumatanggap ng mga migrante. Bahagi ito ng pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng mga bansang nakararanas ng proseso ng migrasyon.
Pangunahing Tanong
Paano nakaaapekto ang pandarayuhan sa tao, pamilya, lipunan, at bansa?
Pagpapahalaga
Paggalang sa paninindigan o paniniwala ng iba (respect for other's beliefs)
Kakayahang tumugon (responsiveness)
Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:
naipaliliwanag ang konsepto ng migrasyon;
natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa;
natatalakay ang mga batas na nagkakaloob ng proteksiyon at pribilehiyo sa mga manggagawang Pilipino.
naipaliliwanag ang mga epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan.
nasusuri ang mga epekto ng migrasyon sa pagpapanatili ng katatagan ng pamahalaan at pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng mga bansa; at
nakagagawa ng simpleng hakbang para higit na mapag-aralan ang mga bagay na may kaugnayan sa nagpapatuloy na migrasyon.
pindutin ang kahon sa tabi upang sagutin ang gawaing Sukat Kaalaman at kasanayan.
pindutin ang kahon sa tabi para sa Angat Kaalaman o Pandarayuhan.