Basahin ang mga aralin na nasa ibaba. Buksan ang inyong aklat sa mga pahina na makikita sa bawat paksa. Pagkatapos sagutin ang mga tanong na nasa pinaka babang bahagi.
Ang migrasyon o pandarayuhan ay tumutukoy sa proseso ng paglisan o paglipat ng mga nilalang mula sa isang lugar patungo sa ibang pook... Tingnan ang pahina 142
Migrante (migrant) ang karaniwang tawag sa mga taong nandarayuhan. Tingnan sa pahina 143
Pampolitika, Panlipunan, at Pangkabuhayan. Makikita sa pahina 144 - 145
Pamprosesong Tanong
Para sayo, ano ang migrasyon o pandarayuhan?
Ano ang dalawang katawagan sa mga dahilan ng paglisan ng mga tao tungo sa ibang lugar?
Sino-sino ang mga itinuturing na Nandarayuhan?
Ipaliwanag ang tatlong tatlong sanhi o dahilan ng nagpapatuloy ng migrasyon.
Pampolitika
Panlipunan
Pangkabuhayan
Sa iyong obserbasyon, ano ang pinakamatinding dahilan ng mga Pilipino para mangibang bansa? Ano ang iyong mga batayan?
<< Pindutin ang kahon sa tabi para maipasa ang iyong sagot.
Pagtukoy at Pagpapaliwanag
Sumangguni sa tsart sa UGNAY KAALAMAN AT KASANAYAN (pahina 146). Alin sa mga push factor ang sa tingin mong magtutulak sa iyo upang lisanin ang bansa mo? Alin naman sa mga pull factor ang sa tingin mong makakaimpluwensiya sa iyo upang umalis at magtungo sa ibang bansa? Bakit?
Paggamit ng Rating Scale
Sa eskalang 1-10 (1 - pinakamababa; 10 - pinakamataas), anong puntos ang ibibigay mo sa sariling komunidad batay sa nakalahad sa mga Pull Factor? Bakit?
Gawin sa Gdocs o Microsoft Word ang written works, pagkatapos ipapasa ito sa ms teams.
Deadline: October 29, 2024
Maraming Salamat! 😊