Ang kaalaman sa Ekonomiks ay pagkakaroon ng mas matalinong pagbuo ng pagpapasyang pangkabuhayan.
Ang salitang Ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomia na nangangahulugang "mahusay na pangangasiwa ng sambahayan."
Ito ay itinuturing na pinakamatandang sining at pinakabatang agham panlipunan.
Maituturing na isang sining ang Ekonomiks dahil sa pagiging maparaan at malikhain ng tao sa pagharap sa mga suliraning pangkabuhayan upang mapagaan ang kanyang pamumuhay.
Isa rin itong agham na kinapapalooban ng sistematikong pag-aaral upang higit na mapagbuti ng tao ang kanyang kalagayan.
Gumagawa ang tao ng matalinong pagpili at pagpapasya para sa kanyang ikabubuti at para na rin sa ikabubuti ng iba.
Mga Prinsipyo ng Pagpapasya
Ang Konsepto ng Ipinagpalibang Matamo ( Trade-off)
Ang Konsepto ng Pagtitimbang ng Kabayaran at Pakinabang ( Cost-benefit)
Ang Konsepto ng Karagdagang Kabayaran sa Karagdagang Pakinabang (Marginalism)
Ang Konsepto ng Pinakamainam na Lebel o Optimisasyon (optimization)
Ang Konsepto ng Insentibo at Parusa (Reward-Punishment)
Pamamaraan at Kahalagahan ng Ekonomiks Bilang Agham Panlipunan
Ang Ekonomiks ay agham panlipunan na nag-aaral ng ekonomikong bahagi ng buhay ng tao. Gumagamit ito ng economic model bilang simpleng representasyon ng ekonomikong pangyayari. Sumusunod sa siyentipikong metodolohiya ang pag-aaral nito, kung saan isinasagawa ang mga hakbang tulad ng pagmamasid, pagkilala sa suliranin, pagbuo ng temporaryong konklusyon, paghihinuha, pagtitipon ng datos, at pagbuo ng konklusyon.
Ipinapakita ng Ekonomiks ang mga gawaing pang-ekonomiya, ang paraan ng pagsasagawa nito, at ang mga taong naaapektuhan nito. Kasama sa pagsusuri nito ang mga isyu tulad ng kawalan ng trabaho, pag-akyat-baba ng presyo, pandaigdigang kalakalan, at iba pa.
Sa pamamagitan ng Ekonomiks, nauunawaan natin ang mga pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagtaas ng presyo at pag-angat ng sahod sa ibang bansa. Ipinapaliwanag din nito kung paano nakakaapekto ang mga patakaran ng pamahalaan, tulad ng buwis at gastusin, sa mga mamamayan. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagbuo ng mga hinuha o prediksyon upang masuri ang posibleng epekto ng mga pangyayari sa lipunan.
Hindi layunin ng Ekonomiks ang mag-utos. Sa halip, ito'y naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga mamamayan upang sila mismo ang makapagdesisyon hinggil sa mga suliraning pang-ekonomiya. Ito'y para sa mas matalino at malayang paggawa ng mga makabuluhang desisyon tungkol sa ekonomiya ng lipunan.
A. Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nahahati sa dalawang saklaw o sangay:
B. Ang paglalahad ng mga pangyayaring pang-ekonomikal ay may dalawang pamamaraan o pagdulog:
Mga Kaisipan Sa Ekonomiks