ni Melchora Aquino
Nakababagbag damdamin ang patuloy na pagmamanipula ng politika sa mga mag-aaral na tila pikit pa ang mata at walamg muwang.
Waring lantad sa aking mga mata ang pagmamanipula ng politika sa kabataan upang makuha ang atensyon ng iba. Karamihan sa kanilla ay parte ng sinasawalang bahalang lipunan- LGBTQ.
“These learners are all part of LGBTQ because they can easily attract people entertainment and they are paid 70-300 pesos”, diwa ng Save The Children From Politician Organization President na si Juan dela Cruz sa isang press con.
Dagdag pa niya, tatlong milyon ang naitalang inaabuso ng mga taong ‘di karapatdapat sa politiko.
Ayon sa nakuhang datos ng organisasyon ni Juan dela Cruz, pito sa mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Magnaga ang naabuso at isa sa pito ay patay dahil sa panghaharas.
Totoong nakagagalit ang pangmamaliit ng mga taong mapagmataas at ‘di karapatdapat makaupo sa upuan ng politika.
‘Di porket sila ay nasa itaas ‘di na nila tatratuhin ng maayos ang nasa ibaba.Nararapat lang ang pagtrato ng pantay dahil diyan lang din sila nag simula.
ni Melchora Aquino
D-Dapat wariin ang kabutihang panlahat
I-Iwasan ang pangmamaliit sa kapwa, nararapat na magkaroon ng pantay na pagtingiN
W-Wag maging mapagmataas,iwasan ang pagmamanipula ng mga mag-aaral
A-Ating mahalin ang kapwa at lahat ng mamayanan
ni Jose Rizal
Abusa. Paggamit. Manipula. Iilan lamang ang mga salitang ito sa ginagawa ng mga politika sa mga kabataan ngayon.
Habang tumatagal kasi ay dumadami na ang kaso ng pagbibigay kaban nila samga mag-aaral upang manghikayat sa mga botante.
Nakakalungkot lamang isipin, ganito na ba kababaw ang kakayahan ng mga kabataan sa kanilang mga mata? Ganito lang ba ka daling gamitin at paikutin ng kanilang mga utak?
Sa isang panayam ng Save The Children from Politics President, Juan dela Cruz, inihayag niya ang 3 milyong kabataan at mag-aaral ng department of education (DepEd) ay miyembro na sa pagpapalawak ng pangungumbinse at pangangampanya ng mga politika.
Dalaga at binatilyo pa lamang ay mulat na sa katotohanan, kaguluhan, at sa mga maruruming paraan ng pagkapanalo ng mga tao sa politika. Maaring ito rin ay dahil sa kakulangan ng gabay at proteksyon.
Ngunit sana naman, ang kakulangan nila sa mga bagay na ito ay hindi magdulot sa mga masasamang tao na akitin sila ng mga bagay na panandalian lamang. Isipin natin ang masasamang dulot nito at baguhin natin upang maprotektahan ang kinabukasan ng mga kabataan.