ni Jose Rizal
Nakakalubha at nakakapagpabagabag isipin na kung sino pa ang nasa itaas at mga makapangyarihang politika ay siya pang nagbibigay sakit sa ulo at dagdag gulo nang tumaas ang kaso ng pag mamanipula sa mga mangmang na estudyante sa paghihikayat ng mga botante sa papalapit na eleksyon.
Iginiit ng Save The Children from Politician Organization President, Juan dela Cruz, umabot ng mahigit kumulang 3 milyong mag-aaral ng DepEd sa local at nasyonal na paaralan amg nagsisilbi at nakikilahok sa mga political activities mula noong 2019. Dagdag pa, ang karamihan ng mga ito ay menor de edad at parte ng LGBTQ community sa dahilang sila ay mas nakaka akit at nakakahikayat ng mga botante.
Higit pa rito, ang mga naturang mag-aaral ay makakatanggap ng 100 pesos sa pangangampanya, 500 sa panghihikayat at 700 naman sa pagpost sa social media,
Iisang indikasyon lamang ang isinasayasat nito; dahil sa kakulangan ng alaga at protekta, unti-unting nabubulag at sumusunod ang mga mag-aaral sa bawat halaga ng pera na ibinibigay ng politika.
Nararapat lamang na itigil na ang gawaing ito dahil Malaki ang suliranin at perwisyong maidudulot kapag ito ay patuloy na isinasagawa at iniimplementa ng karamihang tumatakbo sa politika.
Una, dahil malaki ang posibilidad ng pagkawala ng pokus ng mga estudyante sa pag-aaral at pagtuon na lamang nila ng pansin sa pangangampanya upang magkapera, nararapat na bigyang aksyon ng departamento ng edukasyon sa pamamagitan ng matuwid na pag gabay sa mga kabataan.
Pangalawa, dahil sa patuloy na pang-aabuso ng mga tao sa politika ay unti-unting nasisira ang katinuan ng mga mag-aaral. Ang natatanging solusyon na lamang dito ay ang pagsisiguro ng mga magulang na nasa maayos na kamay ang kanilang mga anak nang maiwasan ang mga ito.
Hindi lamang ito isang sakit sa ulo, ngunit isang kontrobersyal at nakaka-alarmang usap-usapan na nararapat lamang na bigyang pansin sa lalong madaling panahon. Sapagkat, wala ring patutunguhan ang kanilang kapanalunan kung malabo naman ang katayuan at kapakanan ng mga kabataan.
ni Jose Rizal
Sa simulat sapul, kung tutuusin natin ay karangyaan lamang ang hangad ng halos lahat ng politika sa bansa. Madalas ay itinatapon na ang diwa ng totoong pamamahala ng isang lugar at inuuna ang pansariling interes lamang.
TAGAPAGMANIPULA
ni Melchora Aquino
Nakakapang-ahit ng pangil ang mga taong maturingan na nasa itaas na posisyon ngunit walang panumbaling sa taong bayan.
Dito sa mundo, ang politika ay tunay na marumi at maraming tinatago, marahil ito ay ugali, karanasan, at maging ang kaniyang nakaraan. Di na bago ang lahat ng ito.
Dagdag pa, ang away politika ay hindi narin mabilang. Unti-unti nang gumugulo, marami na ang mga politikong gumagamit ng mga kabataan, umaabuso, at nang-aalipusta gamit ang kaban ng pera.
Saganang akin, ang mga kagagawang ito ay nararapat na bigyang pansin at matigil na sa lalong madaling panahon. Hindi ito maganda at nakakasira lamang sa sarili nyang bansa.
Sa pangkalahatan, bigyang aksyon na natin ang mga kagagawang ito, sapagkat kung ito’y magpapatuloy, ang bansang ating inaalagaan ay unti-unting matatakpan ng mga taong salot sa lipunan.
Walang kabuluhan ang pagpapangako sa mamamayan at sa bayan kung sarili at posesyon lang rin naman ang pinapahalagahan.
Imbes na pangunahing layunin ay portektahan ang kapakanan ng ating mahihinang mag-aaral ay ipinahamak nila ang kabataan para lamang sa sariling kapakanan.
Puro lamang salita at walang gawa, bigyang silbe ang platapormang inyong nabitawan.
Ayon sa datos ng organisasyon ni Juan dela Cruz na Save the Children From The Politicians Organization na pito sa mag-aarla ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Magnaga ay inabuso at isa ang patay dahil sa panghaharas.
Bawas-bawasan ang mga taong imbes bayan ay sarili lamang ang nasa isipan. Bigyang silbe ang posesyon. Nag mistulang ‘puppet’ ang mga mag-aaral habang kayo naman ang tagapag manipula.