Ang tinaguriang “Golden Age of Philippine Literature” o Ginintuang Panahon ng Panitikang Pilipino ay ang panahon ng pananakop ng mg Hapon. Sa panahong ito ay ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles kung kaya’t napilitan ang mga manunulat at mga makata na magsulat gamit ang ating wika kung kaya’t palasak ang pagkagamit nito. Isa sa mga naging layunin ng pananakop ng mga Hapon ay ang unahin ng Asya ang sarili nito kung gayon, ninais nila na unahin ng Pilipinas ang sarili nito o “Pilipinas para sa Pilipinas”. Dahil dito, itinuring ginintuang panahon ang pananakop ng mga hapon dito sa ating bansa.
Ang panahon ng Hapones ay isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas, dahil sa pagbibigay diin sa Tagalog at sa pagbawas ng impluwensya ng Ingles.